Chapter 5

217 10 6
                                        

Daytime Firefly

Chapter 5

Mei Santiago POV

“Uy Mei, may gagawin ka ba bukas?” tanong ni Emily sa akin na may malaking ngiti sa maganda niyang mukha.

“Ah…wala naman.”

“Talaga! Mabuti naman. Bukas kasi napagusapan namin ng mga kaibigan ko na magkakaraoke kami. May bagong bukas kasi na bowling alley at karaoke resto sa mall. Malapit lang yun.”

“GUSTO KO SUMAMA!” naeexcite kong sabi, nagulat si Emily.

“Then it’s final, sasama ka ah.” Ngumiti siya.

Mabait niya akong inimbitahan.

“Ah.”

“Hm?”

Pwede ba nating isama si Adrian?” malakas kong tanong. Narinig ito ni Adrian na pauwi na dapat.

“Hoy Ikaw, anong pinagsasabi mo? Narinig ko lahat.” Galit nitong tanong.

“Hindi ba masaya yun, punta tayong dalawa.”

“PAKE KO SAYO?! Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo!”

Nang tinaas ko yung kamay ko napilitan siyang tumahimik. (A/N: blackmail lang ang peg?)

“Hoy Saru, sumama ka din.” Utos ni Adrian sa kaibigan niya.

“Huh? Ako? Sige okay lang sa akin.”

“Ako ako din sasama ako!” sigaw nung isa.

“Ah…ako din!” sabi naman nung isa pa.

“Anong pinaguusapan niyo?” di nagtagal nakisama na rin yung iba sa usapan.

“Magkakaroke kami bukas.”

Eh?

“Talaga sama kami.”

Eh?

“Hmm, edi bakit hindi nalang buong klase ang pumunta?” komento nung isa.

Ang galing! Pupunta ako sa karaoke bukas! Sabi ko habang masayang naglalakad pauwi. Siguro naging parte na ako ng grupo.

“Oh my, merong isang tao dito na puno ang mukha ng excitement.” Napatigil ako ng may narinig akong nakakairitang boses.

“Hindi ako excited.” e_e sabi ko habang humaharap sa kanya.

“Alam ko na kaya~, pupunta daw ang buong klase sa karaoke bukas. Sasama ka rin ba Mai Mai?”

“Opo…”

“Hmm ganun ba~ sa sobrang excited mo hindi ka na pumunta sa library. I’m hurt, kinalimutan mo na ako.” sabi niya habang naka ngiti. Sa totoo lang naiirita ako ngayon sa tono ng boses niya.

“Anong ginagawa mo?” dahil medyo malapit yung mukha niya sa akin lumayo ako ng kaunti.

“Waaala.” Ngumiti ulit siya.

Bakit ang saya ng itsura ng taong ito?

“Sige na, una na ako sayo. Magenjoy ka bukas.” Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Pinanood ko siyang maglakad ng hindi pa siya nakalayo may tinanong ako sa kanya.

“Hindi ka po ba sasama bukas?” huminto siya sa paglalakad at binalik ang kanyang tingin sa akin. “Ikaw…ikaw naman ang adviser namin diba?”

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon