Daytime Firefly
Chapter 16
Mei Santiago POV
Classroom;History Class
"(About history)"
Habang nageexplain si Sir. wala akong nagawa kundi ipako ang mata ko sa libro.
Ganeto ba talaga kahaba ang klase??
Dahil hindi ako makatingin sa white board sa gilid ako tumigin. At ang nasa gilid ko ay si Adrian. Si Adrian na katulad pa rin ng dati, walang pake sa mundo at napaka emersed sa music niya.
Halos one week na rin kaming hindi naguusap simula nung magkita kami sa Park. Hindi ko pa rin nga nababalik yung panyo niya eh.
Talagang...ako ang may problema...
Nagulat ako ng biglang tumingin si Adrian sa akin.
EH?? Hindi ba napaka emersed niya sa music niya?? Agad akong lumingon kaso pagkalingon ko tinawag naman ako ni Sir. Jake.
"Miss Santiago, what's the answer to my question?"
"Eh? Um...Hi-hindi po ako nakikinig." Nahihiya kong sagot.
"Please listen properly."
"Sorry..." pabulong kong sabi. Ramdam ko din na tumingin si Emily sa direksyon ko.
Umaarte si Sir. ng parang wala lang...mahigpit kong hinawakan ang libro ko hanggang sa malukot ang isang page nito.
Siguro wala lang sa kanya yuon. Kung maexplain ko lang yuon katulad ng isang scientific or math problem. Dapat pala hindi ko na lang sinabi yun...
Nagtaka ako ng biglang may isang papel na nakalagay sa lamesa ko. Binuksan ko ito at ang nakasulat ay:
What's wrong -_-
Kanino galing ito? May drawing pa. Tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang classroom. Hindi ito galing kay Emi, Mary o Lucy dahil busy sila sa ginagawa nila. Wala na akong ibang maisip pa kung sino pa ang pwede mag bigay nito kundi ang seatmate ko lang.
Tumingin ako kay Adrian at nakitang nakatingin siya ng kaunti sa akin. Tinuro niya yung papel na para bang sinasabi na magsulat ako.
Sinunod ko siya at nagsulat na ng reply:
Wala naman, bakit? Binalik ko ito sa kanya at syempre binasa niya pagkatapos nagsulat ulit siya at iniabot ito sa akin. Ang reply niya ay:
:p
O_O Huh? Ano yun?? Binelatan niya ako! Lagot 'tong lalaki na 'to sa akin. Galit akong nagsulat ng reply:
>_< Ewan ko sa'yo! :p ka din. Binigay ko ito at laking gulat ko ng...
"Heh..." ngumiti siya, pero mabilis rin itong nawala. Pagkatapos nun hindi na siya nagreply.
Anu ba yun...tumingin na lang ako sa bintana. Kung anu-ano ang mga pinaggagawa niya...ramdam ko ang pagbuo ng isang maliit na ngiti sa bibig ko.
Uwian na at naisipan ni Emily na pumunta ulit sa bahay ko.
"Anong nangyari sayo kanina?" tanong niya habang naglalakad kami pauwi. Tumingin ako sa kanya.
"Wa-wala naman..."
"Anong wala? Hindi mo matatago sa akin yan. Hindi mo ba alam na may habit ka na kapag may problema ka lagi mong pinipisil yang strap ng bag mo. Kanina nga halos madurog na yung libro mo sa kakapisil mo eh. Akala mo 'di ko napansin?"
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomansSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...