Daytime Firefly
Chapter 12
Mei Santiago POV
"You're forgiven."
Pagkatapos niya sabihin yun naiwan akong nakatayo doon sa daan. At nung naglalakad na ako pauwi napuno ang utak ko ng iba't ibang tanong.
Anong nangyari?
Bakit niya ginawa yun?
Anong ibig sabihin nun?
Ginawa lang ba niya yun dahil gusto niya o dahil niloloko lang niya ako? Pero sa tingin ko hindi naman gagawin ni Adrian ang mga ganung bagay. Siguro may natirang icing lang sa pisngi ko kaya niya ginawa yun?! Imposible...
Dahil sa mga tanong na ito hindi ko ako nakatulog ng maayos. At ngayong Monday na, ibig sabihin isang araw na naman sa school. At sa school nandoon si Adrian.
Medyo ang awkward kapag nagkita kami ngayon. Imposible namang hindi kami magkikita eh magkatabi kami sa upuan. -_-
"Oi." Nang hinanap ko kung sino yung tumawag sa akin ang nakita ko ay si Adrian. Hindi ko namalayan naglalakad na pala siya sa tabi ko.
"Mo-Morning." Bati ko dito habang iniiwasang tumingin sa kanyang mata.
"Ah-" may sasabihin na sana siya kaso bago pa siya makapagsalita inunahan ko na siya.
"Ah! Nakalimutan ko naiihi pala ako. Pupunta muna ako sa CR bago dumeretso sa classroom. Bye!" tumakbo na ako papalayo.
Sigurado ako napaka weird nung ginawa ko.
"OI! Sinabi kong layuan niyo ako diba, kayong mga baboy kayo!!" narinig ko ang galit na sigaw ni Emily. Pagkahanap ko kung saan nandoon siya nakita ko na pinalilibutan siya ng mga kinikilig na lalaki.
"Kyaaaa, sinigawan ako ni Emi!!" kinikilig na sabi ni Luke.
"Ako din, sigawan mo rin ako!" sigaw nung isa sa mga lalaki.
"KADIRI! LUMAYO NGA KAYO SA AKIN!" imbis na lumayo sila lalo lang sila natutuwa sa sinasabi ni Emily. Nang makita ako ni Emily agad niya akong hinila papalayo sa mga kinikilig na lalaki.
"Emilyyy~ huwag mo kaming iwan!!" nagsimulang magreklamo yung mga lalaki pero dinedma lang niya ito.
Pagkadating namin sa classroom nakahinga na ng maluwag si Emily.
"Haaaaaa~ Walanghiya yung mga yun. Mga Ga*o nakakainis!!" inis nitong sabi.
"Haha hirap talaga ng buhay ng sikat na babae." sabi ni Mary habang nakamewang.
"Ano ba sila, bagong religious group?" nagtataka kong tanong.
"Hahaha, hindi. Mukhang nakita ata nila si Emi na sinisigawan yung isang babae kahapon nung namamasyal sila. Ayun namuo na ang bagong fanclub or something." Paliwanag ni Lucy.
"Isang nakakatakot na grupo ng mga masochist." Dagdag ni Mary.
"Pwede bang umupo na kayo sa upuan niyo kung ayaw niyong masapak? Gagawin kong upuan yang ulo niyo eh!"
"Ah, galit na siya kyaa~" tumakbo sila papunta sa upuan nila habang natawa ng mahina. Babalik na rin sana ako sa upuan ko kaso napahinto ako ng tawagin ako ni Emily.
"Teka. Pagkatapos ng klase ikuwento mo sa akin yung nangyari nung Saturday." Mahina nitong sabi.
"Ha? Pero nandun ka naman diba? At saka tungkol saan??"
"Si-na-Sa-bi-ko. Yung tungkol kay Adrian, diba sabay kayong umuwi!!" mahina niyang sinigaw. Sa sobrang hina aakalain mong wala namang nagsalita.
Nakaramdam ako bigla ng kaba.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
