Daytime Firefly
Chapter 43
Mei Santiago POV
Halos isang lingo din ang nakalipas simula ng umuwi ako sa bahay namin sa Baguio. Nang mahimasmasannagdesisyon na din akong bumalik sa Maynila. Sa maliit naming bahay dun kasama si Tito, sa Maynila kung nasaan ang mga kaibigan ko. At kung na saan siya...
Pagkauwi ko agad akong dumeretso sa kwarto ko at umiga sa kama ko. Sobrang namiss ko talaga ang kwarto ko sa bahay ni Tito. Nung nakaiga ako, doon ko napansin yung music box na regalo niya sa akin.
Nakauwi na ako lahat-lahat at napaka energetic ko na pero...hindi ko pa din siya lubusang nakakalimutan. Habang tinititigan ko ito nagsimulang sumakit ang lalamunan ko, na para bang gusto na namang umagos ang luha sa mata ko. Kaya kinuha ko ito at binalutan ng papel at pinasok sa loob ng kabinet ko kasama nung picture frame na may picture naming dalawa.
...Hindi pwedeng habambuhay na lang akong umiyak at magmukmok ng ganeto. Kasi nagdesisyon ako na, sa susunod na iiyak ako, ang mga luha na yun ay para sa "pinaka importanteng tao" ng buhay ko at iiyak ako dahil sa tuwa hindi sa sakit at lungkot.
Naglalakad na ako sa hallway ng makita ko si Sir.
Yun ang sabi ko pero lagi pa din naman kaming magkikita araw –araw kasi adviser ko siya eh.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad ng malapit na ako sa kanya kinuha ko ang lahat ng lakas ng loob ko at sinabi,
"Sir. Good morning."
Hindi na ako magsisinungaling.
"Ah. Mei~! Good mornin'!" masayang sigaw ni Lucy habang nakaway.
Ito ay isang bagay na hindi malilimutan. Kaya papasanin ko 'to kasabay ng pagmove on ko...
"Good morning." Bati pabalik ni Sir. sa akin at tuluyan ko na siyang nalagpasan.
"Sa wakas at pumasok ka na din. Salamat pala dun sa sinigang ah. Ang sarap." Sabi ni Mary sa akin habang nakangiti at nakamulsa.
"Wala yun, sabi ni Mama kapag may oras daw kayo pwede daw ulit kayo bumisita." Nagsimula na kaming maglakad papunta ng classroom.
"Hay naku, puro pagkain na lang ba ang nasa isip niyo? Maray nakalimutan mo na ba yung pinagusapan natin kagabi?" inis na tanong ni Lucy.
"Ah! Oo nga pala, muntik ko na malimutan." Mas lalo akong nagtaka. Nung tumingin ako sa kanila napansin ko na may namuong ngisi sa mga mukha nila.
"Mei~, gusto mo sumama?"
"Saan?"
"Sa group blind date." Sabay nilang sabi ni Mary.
"Group blind date? Ano yun??" mas lalo akong naguluhan. Ngayon ko lang kasi narinig yun.
"Eh, hindi mo alam? Ang group blind date ay pakikipagkita sa mga ibang lalaki na nas aibang school. Minsan mga college students pa nga. Pero this time makikipagkaibigan lang tayo." Paliwanag ni Mary.
"Mga kaibigan sila ng kuya ko kaya medyo matino naman sila. Ano sama ka?" tanong naman ni Lucy.
"Pero...hindi pa ako nakakaexperience ng ganun." Malungkot at kinakabahan kong sabi. Baka kasi ano pang mangyari kapag pumunta ako dun.
"Huwag ka masyadong magalala, kasama mo naman kami eh. Saka ginawa namin 'to para bilang preparation." Tinuro niya ako habang si Mary naman ay kanina pa sumasangayon sa pagtungo ng pagtungo.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomansaSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
