Chapter 42

33 2 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 42

Mei Santiago POV

"Well, well, well, huwag kayong mahiya at busugin niyo lang ang sarili niyo." Masayang sabi ni Mama sa amin pagkatapos dagdagan ang sinigang na nasa bowl namin.

"SALAMAT PO!" sigaw namin lahat (maliban kay Adrian) pagkatapos magdasal. Nagsimula na silang kumuha ng kani-kanilang servings nung sinigang at mainit na kanin.

"Wah! Bangus, ang tagal ko ng hindi nakakakain nito." Masayang sigaw ni Lucy at agad na kinuha yung tiyan part ng bangus.

"..." nagpatuloy lang din ako sa pagkain habang nakatitig sa kanila.

"Ate, dinalhan kita ng roll cake."

"Ay salamat, nagabala ka pa. Oh, may dessert na tayo. Kain lang kayo ah..." umupo na din si Tito at Mama at nagsimula na ding kumain.

"Ikaw Emily gusto mo ng bangus, bibigyan kita." Sabi ni Mary habang nanguya.

"Kaya ko na magisa!" inis na sabi ni Emily habang hirap na tinatanggal yung tinik ng bangus.

Paano naging ganeto yung situwasyon? Parang kanina lang napaka gloomy ng bahay eh...winelcome namin sila ni Mama pero...okay lang kaya na tanungin ko sila kung bakit sila nandito?

Lumipat ang atensyon ko sa katabi ko, ang katabi kong kanina pang tahimik at puro gulay lang ang kinakain.

Kung iisipin ko ang mas nakakapagtaka ay bakit pati si Adrian pumunta dito? Ang layo kaya ng Baguio.

Nagulat ako ng tumingin siya sa akin.

"Bakit?" tanong niya habang nanguya.

"Eh? Hinde...Wa-wala." Utal-utal kong sabi pagtapos bumalik na ulit kami sa pagkain. Puro gulay lang talaga yung kinakain niya, bakit ba ayaw niya sa Bangus?

"Ah, nga pala, Mei. Bakit hindi mo ilabas yung mga extra nating kutchon pagkatpos mo kumain?" sabi ni Mama habang nilalagyan ulit ng kain ang plato ni Lucy.

"EH?! Hindi na po, masaya na po kami dito sa pagkain." Nahihiyang sabi ni Emily. Mukhang totoong nahihiya siya.

"Okay lang, okay lang. Saka kung uuwi na kayo wala na kayong maaabutang bus sa ganetong oras. Ayoko din namang si Kisei lang ang mag sleep over dito. Kaya, huwag na kayong mahiya and just enjoy your stay. Yung lalaki sa guest room na lang matulog."

"Ang komportable dito sa bahay ni Mei, no?" sabi ni Mary habang inaayos yung kutchon. "Ang bait pa ng mama niya saka ang sarap nung pagkain."

"Pero nakakatakot din si Mama kapag galit siya." Sabi ko pagkapasok ko ng kwarto ko habang buhat-buhat yung mga makakapal na kumot. "Eto oh."

"Wah! Sa sobrang kapal ng kumot hindi ko makita yung mukha mo. Pero tama ka, kailangan natin yan. Ang lamig talaga dito!" sabi ni Lucy habang nakapulupot doon sa isang kumot.

"Pero seryoso, nagalala talaga kaming lahat kasi hindi ka naman nagaabsent." Sabi ni Mary habang nakangiti, sumasangayon din si Lucy na katabi niya.

Ah...

"Nung una akala namin may sakit ka lang pero nung pumunta na kami sa bahay mo para bisitahin ka, bumungad sa amin yung Tito mo na sobrang nagaalala. Akala nga namin iiyak na siya eh hahaha.

"Nung tinanong ni Emi kung anong problema ang sagot ng tito mo, 'bumalik kasi siya sa Baguio pero hindi pa din siya bumabalik.' Ibibigay na din naman namin yung list of assignments kaya sinama na namin si Adrian. Mabuti na lang talaga nakahiram yung Tito mo ng sasakyan kasi wala ng bus papuntang baguio nung oras na yun." Paliwanag ni Mary sa akin habang nakangiti pa din pero kitang-kita ang pagaalala sa mukha niya.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon