Daytime Firefly
Chapter 44
Mei Santiago POV
"This Sunday, may gagawin ka ba"
"Eh?" nagtaka ako.
Anong ibig niyang sabihin? Lumapit ulit ako sa kanya.
"This Sunday, we will celebrate my birthday by having lunch somewhere. My dad and Jian asked me to invite you too, so..." paliwanag niya sa akin.
"Huh? Birthday mo Adrian?" gulat kong tanong.
"Oo, sa 18th ng January."
"Wow~, nakakaexcite naman." Namamangha kong sabi.
Ganun ba...birthday niya...hehe birthday pala niya...
"Ah, pwede ko din ba isama si Emily?" agad kong tinanong. Kasi sigurado ako gusto din ni Emily na pumunta sa birthday celebration ni Adrian.
"Ikaw ang bahala."
"Yay! Salamat. Nga pala, saan kayo magsecelebrate?"
"Sa isang chinese restaurant sa China Town."
"CHI-" nagulat ako at mas lalong umakyat ang happiness meter ko.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong.
"CHINA TOWN?!"
"China town?" tanong ni Emily habang nilalagyan ng cutix ang daliri niya. Saturday ngayon at nasa bahay ako ni Emily para kumbidahin siya.
"Oo! Magkikita kami ni Adrian bukas ng 8:00 ng umaga. Sasama ka diba Emi?" naeexcite kong sabi habang hawak-hawak ang book guide ng china town.
"Ah, hindi siguro."
"Eh? Pero kasama si Adrian dun, birthday niya yun." Naguguluhan kong sabi.
"Pero don't you think na parang ang weird kapag sumama ako sa family lunch ng taong binusted ako?" inis niyang sabi habang nakatingin ng masama sa akin.
"Ah...sorry...hindi ko na pala dapat sinabi yun..." kinabahan ako kasi baka magalit siya sa akin.
"It's okay, I don't mind. At saka...sa tingin ko...na in love na ako sa iba..." nahihiya niyang sabi habang nakatingin sa lapag.
Nanlaki ang mata ko at naiwang nakabuka ang bibig ko.
"EHHHHHHHHHHHHHHH?!" binato ko yung guide book at mas lalong lumapit kay Emily.
"Ang lakas ng boses mo!"
Hinayaan ko siya at nagmamadaling tinanong, "Si-sino siya? Saang klase siya?"
"..." kumalumbaba siya at mas lalong namula ang kanyang mukha. "Si...Jayvee..."
Nanlaki ulit ang mata ko. Pero ngayon wala ng lumabas sa bibig ko at naiwan na lang 'tong nakabuka.
"Argh! Hindi ako makapaniwala! Sinabi ko na, ibig sabihin inaamin ko na nagusto ko na siya, alam mo ba yun!!?" hindi ko alam kung bakit pero parang mas lalo siyang nainis kasi ginugulo niya ang buhok niya ngayon.
"Eh? Ba't ka naiinis?"
"HINDI KO DIN ALAM! AT GUSTO KO DIN MALAMAN YUNG SAGOT!! HOW COULD I, WHO WAS MADLY IN LOVE WITH A GUY LIKE ADRIAN, ENDED UP FALLING FOR THAT GUY! ALAM MO BA YUN? THAT GUY!"
Talagang gusto niya si Kuya Jayvee, no...
"Ugh...hindi dapat mangyayari 'to eh...ano ng gagawin ko ngayon." Sabi niya habang may napaka cute na expresyon pati tuloy ako nagsimula na ring mamula ang pisngi.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
