Chapter 25

53 1 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 25

Mei Santiago POV

"Hey."

"Hm?" lumingon ako para tingnan kung sino yung tumawag sa akin at laking gulat ko ng bigla akong hilahin nito sabay tinulak sa pader at ki-norner.

Eh? O.O

Ang una kong nakita sa mukha niya ay isang ngisi.

"Sorry kung nabigla kita. Ikaw si Mei..." tinaas niya yung baba ko. "Diba?"

Si...SINO 'TONG LALAKING TO?!

"Nice to meet you, ako nga pala si Jayvee Reyes, a Junior."

"Ga-ganun ba...Kung keylangan mo ng pera wala ako. Meron lang akong 200 pesos ibabayad ko pa yung 100 sa kaibigan ko. May puso ka ba talaga para nakawan ang mas nakakabata sa'yo??" kinakabahan kong sabi.

"Pfft! Hahaha! Sa tingin mo gagawin ko yun?" tanong niya habang natawa ng malakas. "Besides that, you're not the one I'm intersted in." ngumisi ulit siya.

"Huh?" mas lalo akong nagtaka.

"Ang babaeng gusto ko ay si Emily Mendez."

"Si Emi?!"

"Tama, well she has this very unique personality, right? She might look innocent but she can stab you in the back if she wants to." Napalunok ako sa sinabi niya.

"A-a-ano- hi-hi-hindi yan totoo." Kinakabahan kong sabi.

"Hindi mo na kaylangan i-deny. Sa tingin mo ba ang isang inosenteng babae ay maglalagay ng make-up at contact lense?"

Hm? Hindi ba parang narinig ko na 'to noon?

"Well my point is, I like her." Sabi niya habang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba sa ngiti niya. Seryoso ba talaga 'to o hinde? "Nakita ko siya kanina nung nag meeting kami tungkol sa stage play. At sobrang cute niya, iingiin ko sana yung number niya pero hindi pala ganun kadali yun."

Hm? Huwag mong sabihin...itong lalaki na 'to ang dahilan kung bakit may bad mood si Emily kanina?

"Kaya naisipan ko bakit hindi na lang ikaw ang tanungin ko?"

"HUH?!" nagulat ako.

Jake Santos POV

Yesterday...I saw Mai Mai walking in the corridor. I wanted to call out to her but I don't have the courage to do it.

Hay...napaka duwag ko talagang lalaki.

Lumabas na ako kaagad ng faculty room ng marinig ko yung bell.

Nakakaantok... sabi ko habang naglalakad sa hallway. Lumipat ang tingin ko sa bintana ng makita ko si Mei na may kasamang third year. Nasa may kabilang building sila.

Nagmadali akong puntahan siya.

"Imposible yun!!" sabi ni Mei habang tinutulak si Luke.

"Bakit? Hindi naman mahirap yun ah. For example, anong type ng guy ang gusto niya? What's her favorite food? Her birthday? Yung three sizes niya?" sabi naman ni Luke habang nakangiti at pinipilit na lumapit kay Mei.

"Sinabi ko na sa'yo imposible nga yun! Saka, lumayo ka nga sa akin."

"Okay lang yun, diba? It's not even a big deal."

"Hindi yuon ang problema..."

"Oi!" pinalo ko yung ulo ni Luke ng class record. "Anong ginagawa mo? You're harassing a younger student." Lumingon si Luke sa akin habang naka hawak sa ulo niya.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon