Daytime Firefly
Chapter 54
Mei Santiago POV
Marami mang nangyari nitong mga nakaraang araw...dumating pa rin ang araw na pinakainiinatay namin.
Para sa iba, isa lang 'tong event na pamapalipas ng oras. Ang iba naman ginagawa lang na dahilan ang araw na 'to para makapagpahinga sila sa kahirapan ng school. At sa iba...ito ang araw na magpapalapit pa sa relasyon nila sa kani-kanilang partner sa kanilang buhay.
At wala nang dapat palagpasin...Sa wakas, dumating na rin ang araw na 'to!
"SPORTS NA!" sabay-sabay naming sinigaw nina Mary at Lucy habang winawagayway ang pompoms namin. Si Emily naman ay may inis na expresyon habang nakatingin sa amin doon sa may silong ng puno.
"Anong problema mo, Emily? Badtrip kaagad?" tanong ni Lucy.
"Anong masaya sa Sportsfest? Magkakasunburn ka lang tapos yung mga tao nagiging mayabang. Nakakairita kaya."
"Hahaha, medyo naiintindihan ko din naman yung nararamdaman ni Emily pero tingnan mo si Mei." Tumingin silang lahat sa akin. "Napaka hyper niya." Sabi ni Mary habang nakangiti.
"Sinong may gusto ng Pocari Sweat? Marami ako dito sa bag. Gumawa din si Tito ng mga sandwich, kainin natin mamaya." Masaya kong sabi sa kanila habang buhat-buhat ang isang malaking bag at ang isa kong kamay ay hawak ang bote ng Pocari Sweat. "Ah." Pagkalingon ko nakita ko si Adrian kasama yung ibang classmates namin. Huminga ako ng malalim at nilapitan siya. "Adrian! Gusto mo ng Pocari sweat?"
"Hindi na."
"Sige na, hiya ka pa eh."
"..." kahit sinabi niyang hindi na kinuha pa din niya ito.
Habang tinitigan niya yung pocari na binigay ko, naalala ko bigla yung bandana na ginawa ko para sa kanya.
"...Adrian..ano kasi...ah...Lunch! Marami akong ginawang lunch kaya sabay tayong kumain mamaya."
"Sure."
Bakit ba ako nahihiyang ibigay yung bandana? Dahil baka hindi niya magustuhan?
"Nakakairita!" malakas na sabi ni Emily nung magtabi kami sa linya habang nagsasalita yung principal ng speech niya.
"Eh?" nagtaka naman ako.
"Pati ikaw nakikisabay sa pagpapainit ng ulo ko, ang init-init na nga eh. Can you stop pretending you're okay? Kapag pinagpatuloy mo yan mahahalata na din ni Adrian na may iniisip ka."
Medyo nagulat ako sa bilis ng pagkahalata ni Emily. "..." yumuko ako at mahinang sinabi, "Siguro nagpapanggap talaga ako na okay lang ako, pero...sports fest na din kasi ngayon kaya nagdesisyon ako na kakalimutan na ang ibang bagay at mageenjoy na lang."
Tama...Sports fest na ngayon. Kaya kaylangan ko magenjoy.
"LUKE! SARU! KAYA NIYO YAN!!" malakas na sigaw ni Lucy habang nakatayo at winawagaywag yung pompoms niya.
[Maguumpisa na po ang boys calvary battle. Let's all wish everyone their best luck.] pagkaanouce nung announcer nagsimula na yung laro.
Ang Calvary battle ay kaylangan ng apat na players sa isang section. Ang tatlo sa group members ng isang group ay magtutulong-tulong na buhatin yung tinatawag nilang "leader," kung saan siya ang mag aagaw ng banda ng ibang group. Kung sino ang pinaka maraming bandana na nakakuha, sila yung panalo.
"Ba't sila naka topless?" tanong ni Emi sa akin na parang walang pakielam.
"Ayaw kasi nilang mapunit yung damit nila."
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomansaSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
