Chapter 62 (extra)

160 3 1
                                        

Daytime Firefly

Chapter 62

Mei Santiago POV

"Adrian, mahal kita. Mahal na mahal kita. Ngayon...sigurado ako, ako naman ang magbibigay sa'yo ng saya. Kaya please...tanggapin mo ulit ako."

"Mahal din kita."

Ilang araw na din ang nakalipas simula ng bakasyon namin sa Boracay. Kahit sobrang daming nangyari sa bakasyon namin na yun, umuwi pa din kami ng may ngiti sa mukha.

Nakasakit man o nasaktan, handa ako na magpatuloy sa buhay ko. Na kasama ang mga taong pinaka importante sa buhay ko.

At isa na si Emily doon...

Nang nakabalik na kami sa Maynila, napansin kong may kausap si Emi sa telepono nung naglalakad kami pauwi. Nung tinanong ko kung sino yung kausap niya, hindi niya ako sinagot kundi namula lang ang kanyang mukha.

"Anong problema? Ang pula ng mukha mo! Huwag mong sabihin, may sakit ka?"

"Hindi! Ang slow mo talaga..." tinapat niya sa akin yung cellphone kung saan mayroong text message. Galing kay Jayvee.

"Can you come to my house, tomorrow? Bumili ako ng mga bagong DVD(s) mag movie marthon tayo! \(^_^)/"

Pagkatapos ko mabasa yung message, natulala na lang ako. Hindi kasi ako makapaniwala na ganeto kabilis ang mga pangyayari.

"A-ano ang sagot mo?"

".....Nag....oo ako...."

"EH?!" ngayon, pareho na kaming namumula.

"Arrgh! Bakit ba kasi ako pumayag? Ano ng gagawin ko ngayon? Paano kung may mangyari na hindi naman dapat mangayari!" mas lalo siyang namula at nagumpisa ng mataranta.

"Emily...Ano ng gagawin mo ngayon?"

"Hindi ko alam! Kaya tinatanong kita, diba?" tiningnan niya ako ng deretso sa mata. "Diba pumunta na si Adrian sa bahay mo?"

"Oo, ba't mo naman natanong?"

"..." muli na namang namula ang kanyang mukha. "May nangyari ba sa inyo?"

"EH?! A-a-a-anong tinatanong mo? Wa-wala ah." Naalala ko bigla yung muntik na niya ako halikan at mukhang napansin ni Emily ang pag pula ng mukha ko.

"Anong wala! Ba't ka namumula? Hay nako, bahala na nga si Batman!" nagtaka ako ng lumiko siya at doon ko nalaman na nakarating na pala kami sa subdivision niya. "Sige na, uwi na ako."

"Ah...sige. Ingat ka." Inirapan niya ako at naglakad na papasok doon sa subdivision niya, samantalang ako nagpatuloy na din sa paglalakad.

Hapon na rin ng makauwi ako sa bahay namin. Pagkarating ko doon napansin ko na wala si Tito. Naalala ko bigla na nasa Boracay pa din pala sila at mamayang gabi pa ang uwi niya.

Ano kayang kakainin ko mamaya? Tanong ko sa sarili ko habang paakyat at papunta na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, naramdaman kong nagring ang aking cellphone.

"My father said he wants to talk with you. Can you come here tonight? Tinanong din niya kung anong gusto mong ihanda niya sa dinner mamaya."

Natulala na lang ako ng makita ko ang text na ito. Mukhang hindi lang pala si Emily ang may pupuntahan na bahay...

Bago ko sinagot ang text ni Adrian, sinubukan ko munang tawagan si Tito.

"Tito?"

[Mei, anong problema? Ba't ka napatawag?]

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon