Chapter 23

44 1 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 23

Mei Santiago POV

Kahapon bigla na lang nagpaalam si Ate Janet sa amin at tuluyan ng umalis. Pero bago siya umalis inutusan niya akong ibigay ang isang sulat kay Sir. at sa loob nito ay isang amusement park ticket. Naisipan naming gamitin 'to at dahil hanggang apat na tao ang sakop nung ticket inimbitahan ko din si Emily and Adrian. Kaso sa hindi inaasahang pangyayari nagbago ang plano.

"Hindi po sila makakarating..." nalulungkot kong sabi kay Sir.

"Eh? A-ano ng gagawin natin nito..."

"Sa tingin ko po mas maiging umuwi na lang po tayo. May next time pa naman po eh."

"...Well, nandito na rin naman tayo eh ba't hindi pa natin ituloy? So, gusto mo ba pumasok sa loob o hinde?"

"Eh? Uhm! Gustong-gusto ko po pumasok!!"

"Ok, then let's go."

"O-okay..." nagsimula na kami maglakad papasok ng amusement park.

Pagkapasok namin sa loob nung amusement park sobrang hindi ako makapaniwala. Dahil sa isang secluded na area ako lumaki ngayon ko lang mae-experience ang pagsakay ng iba't ibang rides.

"Wow!" napansin kong nakatingin si Sir. sa akin habang nakangiti at nung lumingon na ako sa kanya iniwas niya yung tingin niya sa akin. Ang weird talaga niya...

"Ahem. So where do you want to start?"

"Eh? Ka-kayo po bahala...sa'yo naman po yung ticekt eh."

"No, no. Ikaw dapat Mai Mai ang magdecide since ikaw ang mahilig sa ganetong mga bagay."

"Si-sige po...Ang gusto ko pong sakayan ay yuon!" tinuro ko yung roller coaster. Kahit nasa malayo siya rinig na rinig namin yung mga sigawan nung naka sakay. Mas lalo akong na excite.

"Ah..." hindi kaagad nakasagot si Sir. at napansin ko din yung pagkaputla ng mukha niya. Hindi ko magawang hindi tumawa.

"Si Sir...haha, huwag niyo pong sabihin takot kayo sa roller coaster?"

"Ako, takot? Haha, ako kaya si Ichigo Kurosaki ng Bleach. I'm not scared! Bring it on! Let's go, Mai Mai." nagulat ako ng bigla niya hawakan yung kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papunta doon sa Roller coaster.

Eh?! (\\\O_O\\\)

"Si-Si-Si-Sir, kamay kamay kamay kamay..." lumingon siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.

"For today only, it's a special day. And you're not allowed to call me Sir. since I'm Ichigo Kurosaki right now. Do you get it?"

"Ye-yes..."

"Alright, then let's go!"

"..."

Pagkatapos sumakay ng roller coaster napuno yung katawan ko ng saya. Para bang natupad lahat ng gusto ko, samantala, si Sir. naging lantang gulay.

"Okay lang po kayo?" tanong ko sa kanya.

"...I'm not giving up!" hinila niya ako papunta sa susunod na ride at isa din itong extreme ride.

At katulad ng inaasahan halos mahimatay si Sir. sa takot.

"Um...kung hindi mo na po kaya bakit hindi po magpahinga muna tayo..." nagaalala kong sabi kay Sir. na ngayo'y halos hindi na makatayo ng tuwid.

"No! I'm okay." Pinilit niyang ngumiti at nagumpisa na kaming maglakad papunta sa sumunod na ride.

Hindi ko talaga siya maintindihan...

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon