Chapter 47

27 0 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 47

Mei Santiago POV

"Because, we're dating now."

Huh? Tama ba ang pagkarinig ko?? Kami na daw...keylan pa...? Teka, kami na?!

EEEH?! Teka, Adrian ano bang pinagsasabi mo? Sa tingin mo maangas ka na kapag sinabi mo yan? Sobrang pula na nga ng mukha mo eh!

"A-adrian." mas hinihigpitan niya ang pagkaakbay sa akin. Itutulak ko na sana siya pero nawala din ang lahat ng lakas ko ng magsalita ulit si Sir.

"I see." Sabi niya habang nakangiti. "Congrats to you two." Wala na akong nagawa kundi yumuko na lang at labanan ang sakit na namumuo dito sa lalamunan ko.

Hindi nagtagal nagring na ang bell, ibig sabihin oras na para bumalik sa classroom.

"Time na, so bumalik na kayo sa classroom. Maguumpisa na yung klase niyo. See you guys later." Naglakad na siya papalayo at sigurado ako tanging kaming dalawa na lang ang nasa labas ng school ngayon.

Bakit ba kaylangan mangyari 'to?

Tinulak ko siya papalayo at sinigaw, "Bakit mo sinabi yun!?"

Nawala na ang pagkapula ng mukha niya at napaltan na ito ng isang seryosong expresyon. Tumingin siya sa akin at sinabi, "Nagbago na ang isip ko. Napagisipan kong pumayag na sa plano niyo last week."

"Kahit sabihin mo yan. Bakit kaylangan mo gawin yun sa ganung timing?"

"Huh? You're the one who came up with the plan, right? Who cares about the timing."

"Alam ko yun pero kahit na, Adrian!" yumuko ako.

Sa dami-dami ng sasabihin niya bakit kaylangan yun pa?

"Congrats to you two."

Hindi mo dapat sinabi yun sa ganung timing.

Tinulak ko siya papalyo sa akin. Kaya namula ulit siya at nainis, "Ow, what are you doing? Cut it out." Tumingin siya sa akin at wala na akong ibang nasabi kundi,

"Tanga." Suminghot ako kahit wala naman akong sipon. Pakiramdam ko umiiyak ako pero hindi naman. Wala na akong nararamdaman kundi sakit at inis lang.

Sobrang pangit nung timing, bakit ba kaylangan mangyari yun? Kung keylan nandun si Sir. inis kong sabi habang nakatingin sa salamin sa c.r.

Pero tama din naman yung ginawa niya na pumayag na siya sa plano namin. Pero mali pa din yung ginawa niya na hindi man niya sinabi muna sa akin na pumayag na siya. Kaya okay lang na magalit!

Naramdaman kong nagpalit ang expresyon ko. Nawala ang inis sa katawan ko at napaltan ng masakit na pakiramdam.

"Congrats" ba. Medyo nagulat ako dun.

Akala ko...nalimutan ko na siya.

Jake Santos POV

I was working in my office when I suddenly realized that the coffee I was about to drink was empty.

Ubos na pala...

Pinatong ko na ulit yung baso doon sa lamesa pero makalipas ng ilang minuto hindi ko namalayan sinubukan ko na naman itong inuman kahit wala ng laman.

"We're dating now."

"..Seryoso ba siya?"

Mei Santiago POV

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon