Daytime Firefly
Chapter 22
Mei Santiago POV
"Sino po sila?"
"Morning. Kakagising mo lang no?" nagulat ako ng makita ko si Ate Janet.
Bakit, bigla na lang pumunta si Ate Janet dito?
"Mukhang nagtataka ka kung bakit ako nandito. Don't worry hindi ako magtatagal."
"Hindi sa ganun."
"Sus, huwag mo na itago dahil baka eto na rin naman ang last nating pagkikita."
"Eh?" mas lalo akong naguluhan.
"Ngayon na ang flight ko paalis ng bansa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Sandali lang naman talaga ang bakasyon ko dito. Maraming nangyari sa ating dalawa pero kaylangan ko na magpaalam sa'yo."
"Si Sir...Anong mangyayari kay sir?!"
"Hindi ko alam..." sagot niya sa akin habang nakatingin sa lapag. "Ah, tama. Pakiabot na lang 'to kay Jakey, okay lang ba?" pagka abot niya sa akin nung sobre nagumpisa na siyang maglakad papalayo. "Nagenjoy akong kasama ka, bye-bye, Mei." At tuluyan na siyang umalis.
Sinarado ko na yung pintuan at bumalik na sa kwarto ko. Tumalon ako sa kama at habang nakaiga tinitigan ko yung sobre.
Kahit nakangiti siya kanina, halatang-halata yung lungkot sa mata niya. Hay~ bakit sa dami-daming uutusan ako pa? At saka―
"Kung wala kang nararamdaman para sa akin, iwanan mo na ako magisa. Hindi ko kaylangan ang half-hearted mong kabaitan."
―pagkatapos ko sabihin yun papaano ako kikilos ng parang wala lang nangyari kapag nakita ko siya?
Arrgh! Bahala siya. Galit kong binato yung sobre sa lapag.
.
.
.
Makalipas ng ilang minuto pinulot ko 'to at muling tinitigan.
ARRGGGH!! Bahala na si Batman!
Pagkatapos ko mag ayos agad akong pumunta doon sa lugar na nakasulat sa likod ng sobre.
Hmm, siguro dito banda yun. Bakit hindi ko mahanap? Inis kong sabi habang tinitingnan yung mapa sa cellphone ko.
"Mai Mai?" nagulat ako ng may biglang tumawag sa akin kaya agad akong lumingon. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganung nick name eh. At ang taong yuon ay si―
Sir. Si Sir. agad na umakyat ang init sa pisngi ko ng makita siya.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong habang naglakad papunta sa akin.
"Ano kasi...pinapaabot po ni Ate Janet ito sa'yo." Binigay ko sa kanya yung sobre.
"Si Janet?" pagkakuha niya nung sobre agad niya 'tong binuksan. Hindi ko alam kung ano yung nakasulat pero alam kong dahil doon medyo nagiba yung expresyon ni Sir.
Ang awkward...kaylangan ko na umalis.
"Si-Sige po, aalis na ko." Maglalakad na sana ako papalayo pero muli niya akong tinawag.
"Gusto mo bang maglakad-lakad kasama ako?"
In the end sumama naman ako.
Pumunta kami sa isang park at medyo wala masyadong tao doon.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
Roman d'amourSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
