Chapter 50

30 0 1
                                        

Daytime Firefly

Chapter 50

Adrian Parina POV

"...Ang katotohanan na gusto kong magmove on at mahalin ka! Hindi mawawala ang katotohanan na tumitibok ang puso ko ng sobrnag bilis ngayon..."

"Wow, french bread tayo ngayon!" sigaw ni Jian. "Okay lang ba kung kainin ko na din yung kay Ian?"

"Hay naku Jian, gumagawa pa ako dito kaya magintay ka."

Binigay ko sa kanya yung plato na may dalawang french toast at sinabi, "For you...I'll give you all of them."

"Eh? SERYOSO!! Yey!"

Tinakpan ko yung mukha ko.

With everything that happened of course I can't eat anymore.

After eating I proceeded to my daily routine. While I'm on my way to school while listening to the usual music I always listened, I suddenly remember what she said again.

"..."

"ADRIAN!" pagkatulak ni Luke sa akin tumama yung ulo ko sa pinakamalapit na poste. "EH?! Okay ka lang ba...hindi naman ganun kalakas yung pagtulak ko sayo..."

"Ang sakit...ibig sabihin hindi 'to panaginip..." I whispered to myself. I could feel my face burning up again.

Mei Santiago POV

Ilang oras na ang nakalipas simula ng mangyari ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko. Hindi ko talaga inaasahan na lalabas ang mga salita na yun sa bibig ko.

Simula ngayon, sa unang pagkakataon, may "Boyfriend" na ako.

"Hm? Naka bun yung buhok mo ngayon? Ang cute!" namamangahang sabi ni Lucy ng makita niya ako sa hallway.

"Nagjogging kasi ako kaninang umaga eh medyo pinagpawisan ako kaya..." paliwanag ko sa kanila, agad namang nagkaroon ng inis na expresyon si Emily.

"Hindi ka naligo?!"

"Wala na akong oras eh."

"YUCK! Kadiri ka talaga..."

"Pero pinunasan ko naman saka naghilamos ako...Tapos―" bago ko pa matapos ang sasabihin ko natulala na lang ako at naiwang nakabukas ang bibig ko ng magtagpo ang mata naming dalawa ni Adrian.

"Ah, good morning girls." Bati ni Luke sa amin. Binati din siya nina Lucy pero ako at si Adrian nanatiling magkatitig sa isa't isa.

A- ang bilis naman! Hindi pa ako handa!!

Hinawakan ko ng mahigpit yung strap ng bag ko at mukhang napansin ito ni Emily. Huminga ako ng malalim at utal-utal na sinabi, "Go-good morning..."

"Hm? Anong problema Mei?" naguguluhang tanong ni Mary. Yumuko na lang ako.

"Mei, namumula ka." Pagkalingon nila kay Adrian hindi na lang sila nakapagsalita dahil sobrang pula din nito.

"Yo..." sabi niya tulad ng dati pero ngayon sobrang pula talaga ng mukha niya. As in, pati yung leeg niya.

"HUH?" Nagtaka silang lahat.

Lumayo sila sa amin habang may poker face at kami naman ni Adrian nanatiling nakayuko. Hindi talaga namin alam kung anong sasabihin sa isa't isa.

"Eh?? HUH??!" mas lalo silang nagtaka. Nagulat na lang ako ng hilahin ako ni Mary at Lucy papalayo habang si Luke naman ang humila kay Adrian.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon