Daytime Firefly
Chapter 45
Mei Santiago POV
"I've been thinking...I think...I might be interested in you."
Pagkatapos niya sabihin sa akin yun, hindi na ako nakatulog pa pero pumasok pa din ako sa school kanibukasan. Tapos siya naman―
"Good morning." Nagaalangang bati ko kay Adrian ng makita ko siya, pagkapasok ko sa loob ng school building.
"Yo." Ang tangi lang niyang sinagot sa akin pagkatapos naglakad na papunta ng classroom.
―Umasta na lang ng parang walang nangyari.
Kaya napaisip tuloy ako na baka nagoover react lang ako. Na baka wala namang ibang special meaning yung mga salita na binitawan niya.
At sa sobrang dami ng nangyari hindi ko namalayan February na pala.
"Ah, grabe, mabuti na lang walang exchange student na napili sa section natin." Sabi ni Lucy habang nakamulsa sa blazer ng uniform niya at naglalakad na papunta sa classroom.
Tuwing February daw kasi may tradition ang school namin na magpapalit ng mga studyante ang dalawang magkaibang school. Ginagawa daw ito ng school para mas lumago daw ang relasyon ng dalawang magkaibang school.
"Saang school daw galing ang exchange students ngayon?" tanong ni Mary kay Lucy.
"Sa isang All-girls school daw, kaya puro babae nga lang yung kinuha ngayon sa school natin." Sagot ni Lucy habang nakasimangot, mukhang hindi niya gusto yung napiling school ngayon.
"Hmm, ah sabi nila magpapalit din daw ng mga adviser ang mga section. At mukhang isa tayo dun. Sana si Sir. Jake pa din ang Adviser natin..."
"'Di siguro, sabi nila naka assign na daw siya sa isang section sa thrid year na may exchange student. Kaya medyo nakakalungkot na hindi na natin siya ganun makikita." Nanghihiyanang na sabi ni Lucy.
Isang buwan lang ang lumipas simula nung araw na yun...pero pakiramdam ko sobrang tagal na nangyari yun.
"Buti pa si Mary masaya." Tumingin si Lucy kay Mary habang nakangisi at nagumpisa na naman sa pangaasar niya kay Mary. "Musta na kayo ng Boyfie mo? Siguro hinihiling mo na maging magkatabi kayo sa bagong seating arrangement, no?"
"Eh? Hi-hindi naman...kaunti lang..." utal-utal niyang sabi habang nagumpisa ng mamula ang pisngi niya.
Tumahimik na lang kami ni Emily habang tinititigan siya. Halatang naiinis pa din si Emily ng malaman niyang naunahan siya ni Mary na magkaboyfriend.
"Uy, uy, sabihin mo na yung totoo. Nagkiss na kayo no?" pabirong tanong ni Lucy at mas lalong namula si Mary at ganun din ako. Kasi hindi pa din ako sanay sa ganetong conversation.
"Hi-hindi pa..a-ano ba yang pinagsasabi mo hahaha." Halatang natataranta na si Mary sa mga tinatanong ni Lucy sa kanya at mukhang hindi din totoo ang mga sinasagot niya. Mga hindi talaga honest ang mga kaibigan ko.
Nung makapasok na kami sa classroom ilang minuto lang dumating na din sina Saru, Luke at Adrian na ngayo'y suot-suot ang headphone na binigay ko.
"Good morning." Masayang bati ni Saru. "Mukhang napaka energetic niyo ngayon ah." Agad siyang lumapit kay Mary at binati din siya ng good morning.
"Kya, naku lalanggamin na ata ako sa sobrang sweet niyo sa isa't isa!" sigaw ni Lucy habang parang kinikilig, agad namang namula yung dalawa.
"Lucy bubugbugin na kita!"
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
