Chapter 13

118 7 12
                                    

Daytime Firefly

Chapter 13

Mei Santiago POV

"I'm a teacher and you're a student."

Kung iisipin ko mabuti, talagang tama naman siya.

Si Sir. ay parang isang rainbow na nasa langit pagkatapos ng isang ulan. Kapareho niya yung klase ng saya na minsan ko lang maramdaman.

--

"Good morning Emi..." malamya kong bati kay Emily na paakyat na ng hagdanan.

"......Anong nangyari sayo? Parang kahapon lang ang hyper mo, tapos ngayon para ka na namang sinapak sa sobrang laki ng eyebag mo. Nakakadiri ka talaga." Inis nitong sabi at nagpatuloy na sa pagakyat sa hagdanan. Sinundan ko siya.

"Medyo hindi lang ako nakatulog kagabi."

"Hmm, siguro confident ka lang."

"Ha? Saan?"

"Come on, huwag mong sabihing nakalimutan mo na may long quiz tayo sa english mamaya."

O_O

At katulad ng inaasahan ko...

15/50

HOMYGAD!!! Ang tangi kong nasabi sa isip ko habang hawak-hawak at nakatitig sa bagsak kong quiz.

Patay na naman ako kay tito nito. Pano na yan? T_T

"Okay, lahat ng bumagsak ay magkakaroon ng special project. Kaylangan niyo mag sulat ng essay with 5-6 paragraphs. You can finish them after school or just take them home and submit them later on. Bilisan niyo ng tapusin 'to. Malapit na ang semestrial break." Masungit na sabi ng babae naming teacher sa English.

Habang lahat ay nagsasaya sa score nila ako dito natataranra at hindi na alam kung ano ang gagawin ko.

Pagkabalik ko sa upuan ko saktong umupo rin si Adrian sa upuan niya (sa tabi ko). Bigla ko naman naalala yung nangyari kahapon at nung isang araw.

Hindi ko nagawang hindi magalit at mahiya ng kaunti. Naramdaman ko naman ang pagakyat ng init sa aking pisngi kaya agad akong bumalik sa pagtingin sa test paper ko.

Kumalma ka Mei. Alam kong dinedma ka niya kahapon pero dapat kausapin mo pa rin siya ng katulad ng dati! 'Di ba yun yung plinano mo kagabi?

{REENACTMENT}

"Anong score mo sa quiz?"

"Okay lang." sagot nito sa akin.

"Talaga? Nga pala pwede ba ulit kita makausap? Gusto ko sana pagusapan yung sinabi mo sa akin sa rooftop."

"Sige."

{End of Reenactment}

Tama, ganun nga lang! Sigurado ako magagawa ko yun! Mei Fight-O!!

"...A-Adrain~" dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"What?" inis nitong tanong habang nakatingin pa rin doon sa test paper niya.

Yes, sumagot siya!

"A-anong score mo?" utal-utal kong tanong. Ang awkward talaga...-_-

"...." Hindi siya sumagot.

Huh?

"Adrian?"

"....20..." mahina nitong sagot.

Eh? Ta-tama ba ang pandinig ko? Twenty daw siya ibig sabihin...

"Bagsak ako..." dagdag pa niya, halatang pilit yung pagkasabi niya dito.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon