Daytime Firefly
Chapter 55
Mei Santiago POV
Kung hindi ko gagawin yun ngayon, kanino at keylan ko sasabihin itong nararamdaman ko at kanino ako magiging tapat?
Tumakbo ako papalayo at sinimulang hanapin si Adrian. Nung malapit na ako doon sa may tent kung saan kinukuha yung entry ng mga kasali sa relay bumungad sa akin ang maraming tao pero...
Sa isang tingin lang nakita ko na kaagad siya.
Nung nakita ko yung medyo kulot niyang buhok, hindi ko alam kung bakit kasi bigla na namang lumiwanag yung paligid ko at nagtubig ang mata ko.
"Adrian!" nung tinawag ko siya hindi niya ako nakita pero alam kong narinif niya ako. Huminga ako ng malalim at muling sinigaw ang kanyang pangalan. "ADRIAN!"
Sa wakas nakita din niya ako...
Tumakbo ako papalapit sa kanya habang nakahawak ng mahigpit dun sa bandana.
"What's wrong all of a sudden?"
"Ah...ano kasi..." kinuha ko ang lahat ng lakas ng loob ko at pinakita sa kanya yung bandana na ginawa ko. "Eto! Para sa'yo!"
"..."
"Ginawa ko siya nung araw na hindi ako sumabay sa'yo nung uwian. Ito yung dahilan kung bakit ayokong sumama ka sa'kin nun...medyo late na din saka...ano...medyo hindi 'to magana pero...Sa-sana magustuhan mo."
Pagkatapos ko sabihin ang mga 'to naramdaman kong umakyat ang init sa aking pisngi.
Nakakahiya, paano kung hindi niya magustuhan? Pero...talagang gusto ko ibigay sa kanya 'to kasi ginawa ko 'to para sa kanya kaya sana magustuhan niya kahit kaunti lang.
Lumipas ang ilang mintuto pero hindi pa din iya ito kinukuha kaya nagsimula akong kabahan.
"A...drian?"
Laking gulat ko na bigla niya ako inakbayan at nilapit papunta sa kanya kaya napasandal ako sa kanyang balikat. Nanatili kami sa ganitong puwesto kahit marami ng nanonood sa amin at pareho na kaming namumula.
Bawat paggalaw ng segundo doon ko naririnig ang pagbilis ng tibok ng puso.
Pero kaninong tibok 'to? Tiningnan ko si Adrian at may seryoso siyang expresyon kahit namumula na siya. Ahh...hindi ko na pala kaylangan tanungin...
Hindi ko namalayan kusa ng gumalaw ang kamay ko at niyakap na din siya.
Parehong puso namin ang tumitibok ng mabilis.
"...Mei, I won't let go of you easily." Nanalaki ang mata ko ng ibulong niya 'to sa akin.
"Ah! Si Adrian may kayakap!" narinig kong sinigaw ni Luke. "Huwag ka ngang mayabang!!"
"..." binitawan na namin ang isa't isa. "I'm going." Pagkakuha niya doon sa bandana tumakbo na siya papunta kayna Luke saka Saru.
Nanatili akong nakatayo sa puwesto at iniintindi ang nangyari.
"Huwag mo kong bibitawan ah, huwag mo kong iiwanan ah?"
Hinawakan ko ang pisngi ko na sobrang init pa din at ang puso ko na sobrang bilis pa din ng tibok. Pinikit ko ang mata ko dahil sobrang liwanag pa din ng paligid ko.
Adrian...sorry...
Hindi alam ni Mei pero tulad ng iba, may isang lalaki na nakakita din ng lahat ng nangyari. At ang lalaki na yun ay si Sir. Jake...
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
