Daytime Firefly
Chapter 37
"Hey." Mahinang sabi ni Adrian ng makita niya si Jake sa hallway.
"Yo..." tiningnan ni Jake si Adrian ng masama at ganun din ang ginawa ni Adrian. Ang mga itsura nila ay parang ilang minuto na lang at susugudin na nila ang isa't isa. "I just realized that you've been addressing me in silence lately. Nakalimutan mo na ba na teacher mo ko?"
Nakaramdam silang dalawa ng mtinding galit. At dahil sa galit na yun, hinila ni Adrian ang necktie ni Jake.
"Yeah, you're a teacher! You're definitely a grown up. But why don't you act like one?" tiningnan nila ang isa't isa ng masama. "You should be the person who best understands her."
Binitawan na niya ang necktie ni Jake at nagpatuloy na sa paglalakad pero huminto din siya kaagad at muling lumingon.
"Its because you're like this that she didn't even bother to tell you her birthday..." nagpatuloy na siya sapaglalakad at tuluyan ng umalis.
Halatang medyo nagulat si Jake sa sinabi ni Adrian tungkol sa birthday ni Mei...
Mei Santiago POV
"ACHOO!" malakas akong bumahing kaya nagulat sina Mary na kasama kong naglalakad ngayon papunta ng classroom.
"Okay ka lang, huwag mong sabihin magkakalagnat ka?" nagaalalang tanong ni Mary habang nakamulsa sa blazer niya.
"Siguro..." mahina kong sagot habang pinupunsan ang ilong ko na may tumutulong sipon. At dahil wala akong panyo ginamit ko na lang yung uniform ko sa pagpunas.
"Eww, tigil-tigilan mo nga ako Patatas. Huwag mong ipunas diyan, uso ang panyo no! Eto oh!" galit na inabot ni Emily ang kanyang panyo, masaya ko naman itong kinuha at ginamit.
"Ah! Ngayon pala ang bigayan ng card grades, no? Bakit ba kasi after Christmas pa nila ginawa 'to, nagsasaya pa sana ako sa bahay ngayon." Pagrereklamo ni Lucy.
December 28 ang araw ng closing ceremony at ngayon yung araw na yun. Kinakailangan na lahat ng students ay makapunta sa araw na 'to dahil ito ang araw ng bigayan ng card grades at magkakaroon din ng seminar ang principal tungkol sa mga iba't ibang bagay.
First time ko maeexperience 'to so kinailangan ko pa tanungin sina Mary para malaman ko kung ano yung meaning ng event ngayon.
"Nga pala Emily, anong nangyari sa'yo nung araw ng Christmas party? Hindi ka nakapunta, diba?" nagtatakang tanong ni Lucy na ngayo'y nakatingin kay Emi.
"May family reunion kami nun. And by the way, on that day..." naputol ang pagsasalita ni Emily ng biglang may sumulpot sa likod niya at tinakpan ang kanyang bibig. Ang lalaking yuon ay si Kuya Jayvee.
"I found you Emi!" masayang sabi ni Jayvee habang naka yakap sa kay Emily mula sa likod.
"Teka..." pilit na inaalis ni Emily ang pagkayakp ni Jayvee sa kanya pero hindi niya ito magawa dahil mas malakas ito. "Bitawan mo ko..."
"I'm borrowing her for sec, okay?" nagsimula na niyang hilahin si Emi papalayo sa amin. "Bye-bye." At hindi nagtagal tuluyan g umalis at lumayo sa amin.
"A-anong nangyari?" tanong ni Mary na gulat pa din ngayon. Hindi na kami nakasagot pa ni Lucy kundi nanatili na lang na nakatitig doon kay Emily na hatak-hatak pa din ni Kuya Jayvee.
Narinig ko bigla bumukas ang pintuan sa tabi namin kaya nailipat ko ang tingin doon sa puwesto na yun att ang nakita ko ay si Sir. Jake na papasok sa loob ng isang kwarto.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
