Chapter 14

87 6 8
                                    

Daytime Firefly

Chapter 14

Mei Santiago POV

"Jake."

Sabay naming hinanap kung sino yung tumawag kay sir. At nagulat ako nang makita ko ang isang babae na kasing idad siguro ni Sir. na nagiintay sa labas ng school.

Sino siya...? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa magandang babae na nasa harapan ko.

"JANET!?" napatingin ako bigla kay Sir. Jake ng isigaw niya ang isang pangalan. "Teka, ngayon pala ang balik mo?" naguguluhan nitong sabi, halata sa tono ng boses niya ang saya.

Lumapit sa amin yung babae at sinagot ang tanong ni Sir. "Yep. Yep. Kani-kanina lang ako dumating. 'Di mo ba narinig kay Kisei?"

"Narinig ko pero hindi ko alam yung araw kung keylan ka babalik. Grabe, hindi ka nagbago!"

WAPACK!

O_O

Binatukan niya si Sir at tumawa ng malakas.

"Hahaha! Anong pinagsasabi mo? Hindi mo ba pansin yung haircut ko? Ang laki kaya ng pinagbago." Lumapit si Sir. ng kaunti doon sa babae at tiningnan ang buhok niya.

"Ah, oo nga no. Haha! Nakakamiss tuloy yung mahaba mong buhok." Pabirng sabi ni Sir. habang hinihila yung maliit na strands ng boy cut na buhok nung babae.

Hinampas niya yung kamay ni Sir. Jake. "Eh, ikaw nga ang haba na ng buhok mo. Ang weird! Hahaha!"

"Shadup." Nagpout si sir. habang hinihimas ang namumula niyang kamay na kakahampas lang.

Ugh...nandito din kasi ako...sabi ko sa sarili ko habang tinititigan silang dalawa. Mukhang napansin ni Sir. ang pagiging O.P. kaya lumapit siya at pinakilala ako doon sa babae.

"Nga pala. This is Kisei's niece, si Mei Santiago."

"EH?!" nagulat ako ng sumigaw siya. "TALAGA?!" lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Ang cuuuuuute! Hindi mo kamukha si Kisei~ Ilan taon ka na?!"

"Eh. Sixtee―" bago ko pa matapos ang sasabihin ko sumigaw na naman siya.

"Sixteeeen?! WOW! Ang kinis ng mukha mo!! Paano ka nagiging cute ng ganeto kahit wala kang make-up?! Naiingit akooo!" tuloy-tuloy niyang sabi habang hinihimas yung pisngi ko. "AH! Ako nga pala si Janet Chen, nice to meet you!" pwersahan niyang kinuha ang kamay ko para makipag handshake.

Hindi ba parang masyado siyang friendly? =_=

"Nagulat ako ng makita ko si Jakey na naglalakad kasama ang isang cutie, kaya naisip ko sa wakas nagkasala rin siya~! Hahaha ang ganda mo talaga!" pinisil niya yung pisngi ko habang nakatingin sa akin na may malaking ngiti.

Well...Mas maganda ka po...at gaano ba niya katagal pipisilin ang pisngi ko?

"Janet."

"Hmm?" mabilis niyang binitawan ang pisngi ko at lumingon kaagad nang tawagin siya ni Sir. Jake.

"Setting that aside, bakit ka pumunta dito?"

"Ah, tama. Dadaan sana ako sa Café ni Kisei. Sumama ka."

"Arrgh...ano kasi..." nagalangan si sir. sumagot habang iniiwas ang tingin sa kanya.

Tiningnan siya ng masama ni Ate Janet na para bang naiirita. "Anong klaseng sagot yan? Ang suplado mo naman. Pagkatapos pumunta ang Girlfriend mo dito para imbitahin ka."

Ahh...Sabi ko na.

"Oo na pero dagdagan mo ng "ex"." Napakamot na lang si Sir. Jake sa ulo niya.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon