Daytime Firefly
Chapter 24
Mei Santiago POV
"Good morning! Long time no see." Bati nung isa sa kaibigan niya.
"Nagiba yung mukha mo!" sabi naman nung isa.
"Nagpunta ka daw ng Palawan nung bakasyon? Grabe ang suwerte mo." Naiingit namang sabi nung lalaki sa mga kabarkada niya.
Malamig na hangin ang sumalubong sa akin ng pumasok ako sa loob ng school at nang maglakad na ako sa hallway pinagtinginan ako ng mga ibang estudyante.
"Uy, guys tingnan mo yun!" bulong nung isa sa kaibigan niya habang nakatingin sa akin.
"Seryoso ba yan?" hindi mapaniwalang sabi nung kaibigan niya.
"Amazing..." namamanghang bulong nung isa.
Lumipas ang araw at pasukan na ulit.
"Grabe kumakain na siya kaagad kahit umaga pa lang." Sabi nung isa habang nadidiring nakatingin sa akin.
Pagkapasok ko sa classroom agad akong binati ng "Good Morning" ni Lucy kaso...
"Wah! Mei ano yan??" gulat niyang tanong.
"Ang aga-aga nakain ka na kaagad? Ano ba yang kinakain mo." Gulat ding tanong ni Mary.
"Pandesal. Hindi ako nakakain ng breakfast kasi akala ko late na ako. Gusto niyo?" tanong ko habang nanguya.
"Hi-hindi na." sabay nilang sagot.
Bakit? Sayang naman, masarap pa naman 'to.
"Oi, you're in my way." Masungit na sabi ng isang lalaki mula sa likod ko. Pagkalingon ko ang lalaki pala na ito ay si...
"Wewiwan!" (Adrian)
"Ano yang kinakain mo?"
"Pandesal." Sabi ko habang nanguya.
"Huh? Hindi ka talaga nagbago."
"Oi~ Adrian!" lumapit siya doon sa lalaking tumawag sa kanya.
Huh? Imagination ko lang kaya pero pakiramdam ko tumangkad si Adrian.
Pakiramdam ko sobrang dami ang nagbago...
Nang marinig kong bumukas ulit yung pintuan ng classroom agad akong tumingin doon.
"Ah, Emi good morning." Bati ko dito.
"Good morning." Bati niya pabalik pero parang may iba sa kinikilos niya.
Imagination ko lang siguro.
"ARGGH!" biglang sumigaw si Lucy ng malakas habanag hawak ang student's diary niya. "Emily tapos mo ba yung assignment na binigay sa atin? Okay lang ba na kopyahin ko yung iba."
"Ah! Ako din, hindi ko kasi nagawa." Desperado kong sabi habang si Mary ay wala na lang nasabi.
"Sure, kunin niyo lang diyaan sa bag." Sabi niya na para bang wala siyang pake.
"Yay! Salamat Emi." Masayang sabi ni Lucy.
Huh...kita mo na...may iba talaga sa kanya. Dati sesermonan niya muna kami bago niya kami pakopyahin.
Ano kayang nagyari sa kanya? Siguro may hung over pa siya ng bakasyon, kasi ganun ang nararamdaman ko ngayon. :3
"Okay, umupo na kayong lahat. Class is starting." Utos ni Sir. sa aming lahat. Nagulat ako ng makita ang itsura ni Sir. Jake kasi...
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
