Daytime Firefly
Chapter 33
Mei Santiago POV
"Ah, sorry po. Pero ang totoo niyan. Isa na lang po ang available naming kwarto."
"Eh, puno na po kayo?"
"Opo..."
"Kung ganun po, hindi na lang po kami mag che-check in. Ika-cancel na lang po namin."
"Teka anong ibig sabihin mong cancel?" nagtatakang tanong ni Sir.
"Huwag kang magalala, magiging okay lang ako. Saka sigurado ako tumigil na yung ulan." Binuksan ko yung pintuan ng hotel at bumungad sa amin ang nagliliparang yero. Agad ko 'tong sinara.
Hindi na nakapagsalita si Sir.
"Ano na pong gagawin niyo ngayon?"
In the end nag check in pa din kami.
"Dito po ang kwarto niyo." Simple lang ang kwarto namin. Meron itong dalawang kama, isang maliit na lamesa na lapag ang upuan at may sarili din kaming c.r. sa loob.
"Ah before po ako umalis kailangan ko po ng picture niyong dalawa."
"For what?" nagtatakang tanong ni Sir.
"Normal po ito sa hotel namin. Gusto po kasi ng boss namin makita ang customer namin."
"I see...Mai Mai picture daw." Sumenyas siya na lumapit ako sa kanya at sinunod ko ito. Nang maglabas na ng camera yung babae at itinapat sa amin, napansin kong naka peace sign si Sir. kaya ginaya ko siya.
Hindi sana ako ngingiti pero mukhang hindi manunong sumunod yung mukha ko.
"Say cheese!"
CLICK!
"Thank you po, enjoy your night." Sinarado na niya ang pintuan ng kwarto namin. At dahil nanatili kaming tahimik sinubukan kong magsimula ng conversation.
"Kwarto 'to, no?" tanong ko habang tinitingnan ang kwarto.
"Oo."
"Kama yun, no?"
"Yes, it's a bed."
"Lamesa yun, no?"
"Yep."
"Bintana yun, diba?"
..............................................
"Okay, this part is mine so you're not allowed to step in it, Mai Mai." Sabi niya habang naka belat at nakaturo doon sa lapag.
"Huh?" lumapit ko doon at inapakan yung lapag.
"Ah! Inapakan mo na. Bilisan mo umalis ka, umalis ka."
"Eh? Ah, sorry..." inalis ko yung paa ko sa pagkatapak doon sa lapag na tinuturo niya.
"Anyway, maliligo muna ako o gusto mo mauna ka muna? Aalis tayo kaagad kapag tumigil na yung ulan." Sasagot na sana ako pero biglang nagring yung cellphone niya. Lumabas siya ng kwarto at sinagot yung tawag. Kaya naiwan akong magisa doon sa loob.
Ugh...pakiramdam ko mamatay na ako sa sobrang kaba!! Kaming dalawa lang ang nasa kwarto na 'to.
Pero...naging weird na naman ako kanina, hindi ba? Naging awkward na naman ako...
Maraming nangyari ngayong araw na 'to at pakiramdam ko bumalik na ako sa dati simula ng sermonan niya ako kanina sa museum. Pero sa tingin ko mas mabuting magsorry ako sa kanya at magbati na kami.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
