Chapter 60

37 0 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 60

Mei Santiago POV

[Hello?] napansin ko na medyo maingay sa kanilang telepono.

"Ah tito...tungkol doon sa souvenir mo."

[Ah, sorry, pwede mamaya na lang? Teka may kausap pa ako.] narinig kong sabi niya, mukhang may iba siyang kasama.

"Na saan ka po Tito ba't parang ang ingay po diyan?"

[EH?!] halatang nagulat siya sa tanong ko at hindi din siya kaagad sumagot kaya mas lalong tumaas ang masamang kutob ko. [Na-nasa Boracay ako.]

"Eh? BORACAY?! Nandito ka din Tito? Pero paano? Bakit?"

[Nilibre kasi kami ni Janet. Sige may ginagawa pa kasi ako, magusap na lang ulit tayo mamaya.] at binaba na niya ang tawag.

Boracay? Nilibre ni Ate Janet? Ibig sabihin... nagsisimula na namang dumilim ang paligid ko at bumibigat na naman ang puso ko.

Nandito din si Sir....Si Sir. Jake nga yung nakita ko kanina...

Pero bakit siya nandito? Anong gagawin ko...papaano kung makita siya ni Adrian tapos...tapos...

Naalala ko yung araw ng sports festival kung saan may namuong kakaibang distansya sa aming dalawa.

...mangayayari ulit yun...Masasaktan ko na naman si Adrian...

Ano na bang dapat kong gawin?

"Oi." Lumingon ako at nakita na si Adrian pala yun. "Anong nangyari sa'yo, namumutla ka."

Pagkakita ko sa nagaalalang expresyon ni Adrian para bang may namuong liwanag sa nagdidilim kong paligid pero agad din itong nawala.

"Wa-wala...sorry, wala ito..." lumabas na ako ng souvenir shop.

Nagsinungaling na naman ako sa kanya. Wala na akong ginawa kundi magsinungaling.

Alam ko namang simula nung sports festival, nagdesisyon na akong ayusin ang lahat. Kapag sinabi ko kay Adrian na nandito si Sir. sa Boracay, sigurado ako magaalala na naman siya at masasaktan...

Pero hindi ko na talaga matiis...gusto ko na tapusin ang lahat at gusto ko ng linawin ang totoong nilalaman nitong puso ko.

Pero...ayokong masaktan si Adrian...ayoko―

Nagulat ako ng biglang paluin ni Adrian ang ulo ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko namalayan kaming dalawa na lang pala ang nasa paligid. Tumingin ako sa kanya habang nakahawak sa ulo ko. May inis siyang expresyon pero namumula ng kaunti ang mukha niya.

"Something happened, right? Tell me. Aren't you the one who said that we need to talk about everything? That's why you have to tell me everything."

Pagkasabi niya nun tuluyan ng nawala ang dilim sa puso ko at muli itong nagliwanag tulad ng mga firefly na nakita namin kanina.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit na hindi umiyak.

Ahh...napakabait talaga niya...

Yumuko ako at nagsimula ng sabihin sa kanya ang lahat, "Kanina tumawag ako kay Tito at nalaman ko na nandito siya...at mukhang kasama niya si Sir."

"Ha?" halatang nagulat din siya ng malaman niya ito.

"Wala naman akong problema kung nandito si Sir. pero nagulat ako ng makita ko siya kanina. Pagkatapos nun hindi na ako mapakali at para bang may bumubulong sa tenga ko na kaylangan ko na talaga harapin ang lahat..."

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon