Daytime Firefly
Chapter 15
Mei Santiago POV
"I like you." Sabi ko habang nakatingin kay Sir. na natutulog.
Ano...Ano ba tong sinasabi ko?
"Teacher Jake?" pumasok yung teacher ko sa Math na lalaki sa loob ng clinic. "Maguumpisa na yung meeting. Hm? May problema ba Miss Santiago?"
0_0
Nagitla ako ng bigla niya banggitin ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at natatarantang sinagot. "Ah, umm...wa-wala po." Nagtaka ako ng bigla ko maramdaman na may tumayo sa likod ko. Si Sir. Jake.
"Sorry, I will go right now." Sabi ni Sir. habang kinakamot ang ulo niya. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko.
Eh?
"Sa tingin ko dapat ayusin mo muna yang buhok mo." Komento nung math teacher ko habang nakatingin sa buhok ni sir. Jake.
Gising siya...
Pagkatapos nila magusap sa may pintuan tuluyan na silang umalis ng kwarto.
Huh? Huh? Gising siya?
Ke- nagsimulang bumaba ang dugo ng buong katawan ko.
KEYLAN PA??!!
Jake Santos POV
"Its fine to skip out, pero hindi ba mas maganda kung gawin mo yun kung saan hindi ka makikita ng ibang teachers?" Teacher Rain said while walking beside me. "Medyo masungit pa naman ngayon ang principal....Hm? Hindi ba ballpen mo yan?"
"Huh?" tumigil ako sa paghahalukay ng lighter sa bulsa ko at tiningnan siya. At doon ko napansin na imbis na sigarilyo ang nailagay ko sa bibig ko ballpen ko pala. "WOAH! Muntik na yun!! Yun pa naman yung matinta!!" natatarnta kong sabi habang binabalik yung ballpen sa bulsa ko.
"...." Natulala na lang si Teacher Rain sa akin. "Anong nangyari? Its very unlike you to sapced out."
"....Hindi, okay lang ako..." iniwas ko yung tingin sa kanya at naramdaman kong uminit ang aking pisngi.
What's wrong with me...
"I like you."
Nanlaki ang mata ako at mas lalong uminit ang pingi ko.
"UGH!" mas lalo kong ginusot yung buhok ko at ikinagulat ito ni Sir. Rain. "Sorry...Excuse me for a second." Naglakad ako papalayo.
Mei Santiago POV
Narinig niya. Hindi. Narinig niya. Hindi. Narinig niya. Hindi. Sabi ko sa isip ko habang pinipitas yung bulaklak na nakalagay sa paso, malapit sa may pintuan namin.
BAM!
Biglang bumuka syung pintuan. At dahil nasa tapat ako ng pintuan tumama ito sa akin. Ang sakit...
"MEI?! So-sorry. Bakit ka kasi nandyan?" natatarantang lumapit si Tito sa akin. Tinulungan niya ako tumayo at dinala sa may kusina. Umupo ako sa upuan at pinanood si Tito na maghalukay ng yelo. "Eto oh." Binigay ni Tito sa akin ang isang ice pack. "Lagay mo sa ulo mo yan para hindi mag ka bukol. Sorry talaga, mamaya ipapackeck natin sa doktor yan."
"Ahh...wag na po..." ang sagot ko, pero kanina pa pala siya nakaalis sa harapan ko. Hindi ko na ito inulit pa kasi alam kong si Tito pa rin ang panalo.
"Magintay ka lang diyan, ipaghahanda na kita ng dinner mo." Nagsimula na siyang maghanda ng mga lulutuin habang ako nagbasa na lang ng magazine.
Hm...ano kaya kung ihypnotize ko na lang siya? Gagana kaya? Hindi, baka hindi naman niya narinig.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
