Daytime Firefly
Chapter 59
Mei Santiago POV
"I...want to go somewhere. Just the two of us... Ano sa tingin mo?"
Nung mga oras na yun, napaka mature ng itsura ni Adrian. Kaya hindi ko namalayan, kusang bumuka ang bibig ko at ang tanging nasabi ko ay, "Sige."
Pagkatapos namin magswimming, nagdesisyon muna kaming bumalik sa resort para magpalit ng damit at mag ayos. Nung pabalik na kami sinabi ko kayna Emily na hihiwalay kami ni Adrian at syempre agad naman silang pumayag.
At eto ako ngayon, nasa harapan ng salamin at hindi alam kung anong gagawin sa buhok ko. Sinubukan ko na ang pony tail, pig tail, bun, pero wala talagang maganda.
Bakit hindi ako makapagdesisyon?
"Oi, lumabas ka na nga diyan ang tagal-tagal mo!" utos ni Emily sa akin. Binuksan niya ang pintuan at galit na pumasok sa loob. "Hindi ka pa din nagpapalit ng damit?"
"Hi-hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko sa buhok ko." Sabi ko sa kanya na may halong sama ng loob.
Tiningnan niya ako ng masama at sinigaw, "AH~ ENOUGH! Bigay mo sa'kin yan." Inagaw niya yung suklay at hinila ako papalabas ng c.r. "MARY, LUCY! Come on, we're going to do this on 10 minutes."
Lumipas ang ilang minuto at sa wakas natapos din ang pagayos nila sa akin. 5:00 ng gabi ang oras na pinagusapan namin at buti na lang sakto akong nakarating doon sa lobby kung saan nagiintay si Adrian.
"Sorry, nagintay ka ba? Hindi ko kasi maayos yung buhok ko eh." sabi ko sa kanya habang hinihingal. Napansin kong hindi siya nagsalita kundi nanatili lang na nakatitig sa akin kaya nagtaka ako. "Anong problema?"
"It's nothing, let's go." Hindi man niya ako inintay kundi nauna na siyang lumabas ng hotel.
Ano ba yun. Nagtulong-tulong pa naman silang ayusan ako...sabi ko na nga ba hindi naman mapapansin ni Adrian eh.
Yuon ang akala ni Mei pero ang totoo niyan sobrang namumula si Adrian at kahit siya kinakabahan din.
***
Ang una naming pinuntahan ay yung mga food bazaar at syempre kapag tungkol sa pagkain hindi ako mapakali.
"Woah, ang daming pagkain!" namamangha kong sigaw. Sa sobrang lakas ng boses ko pinagtinginan ako ng mga tao.
"You're voice is too loud." Mahinang sabi ni Adrian sa akin.
"Hayaan mo na. Bilisan mo baka maubusan tayo ng pagkain!" tatakbo na sana ako pero bigla akong may naalala. Tumingin ako kay Adrian at tinanong, "Madami kayang seafood?"
Hindi ko alam kung bakit pero biglang namula ng kaunti ang pisngi ni Adrian. Hinayaan ko ito at nagmadali ng hinanap ang mga bazaar na may sea foods.
"Oi, huwag kang tumakbo baka madapa ka."
"Eh?" nagulat ako ng biglang may bumungo sa akin. Akala ko madadapa ako pero nasalo ako ni Adrian. "Sa-salama―" naputol ang aking pagsasalita ng malaman kong napakalapit namin sa isa't isa. Halos parang magkayakap na kami.
Dahil sa hiya agad kaming lumayo sa isa't isa.
Nagulat ako!! Nagtagpo yung...mga mata namin...Lagi naman nangyayari yun pero iba yung pakiramdam.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at ngayon sabay na kami at hindi na ako nagmamadali. Sa sobrang kaba ko nararamdaman kong umaakayat ang init sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
