Daytime Firefly
Chapter 4
Mei Santiago POV
“First is introduction. Syempre bago mo sila makilala kaylangan ka rin nila makilala. Hindi pwedeng ikaw lagi ang nagiintay ng taong kakausap sayo kundi ikaw ang unang kakausap sa kanila.”
Dahil sa payo ni Sir. sa akin sinimulan ko na umakyat paunti-unti sa hagdanan ng pagbabago.
“Maging magkaibigan tayo.” Sabi ko kay Adrian habang nakatingin ng deretso sa kanya.
“Ba-BAKIT KAYLANGAN KO MAKIPAG KAIBIGAN SAYO?!” inis at naguguluhan niyang tanong.
“Dahil wala akong kaibigan.” Sabi ko naman habang nakaturo sa sarili ko.
“PAKE KO?! MAGHANAP KA NG IBA!”
“Sige na. Hiya ka pa eh. Wala na mang mawawala at saka advantage mo rin naman yun.” Pangangatwiran ko.
“Kahit magpaka talino ka pa walang silbi yan―” napatigil siya ng saglit ng makita niya ang paglapit ko sa kanya at pagwagayway ng kamay ko. “TUMIGIL KA NGA!!”
“Huwag ka magalala…” huminahon siya. “hindi ko naman naisip na sabihin sa iba ang sekreto mo. Ang talagang gusto ko lang ay isang kaibigan na mababati at makakasabay ko sa pagkain ng lunch.”
“So yun na yun. Sige na Adrian.” Inabot ko yung kamay ko para makipag handshake sa kanya, agad naman siyang nagitla.
“……” hindi siya kaagad sumagot. “Bahala ka sa buhay mo, ang kapalit ay kapag sinabi mo sa iba, humanda ka sa akin.” Naglakad na siya papalayo.
Hindi ako kaagad nakapagsalita sa gulat.
“Si-Sige. Hindi ko ipagsasabi!” hindi niya ako pinansin kundi nagpatuloy sa paglalakad pero alam kong narinig niya ako.
Meron na akong unang kaibigan.
***
“May kaibigan ka na?” tanong ni tito habang nagluluto. “Mabuti naman!”
“Mm…siya yung lalaki na katabi ko sa upuan.” Sabi ko naman habang nanguya ng pagkain.
“La-Lalaki?!” sa sobrang gulat ni Tito halos maibagsak na niya yung lutuan sa lapag. “Ga-ganun ba…mukhang pwede na akong tumigil sa pagaalala ngayon.”
“Tumigil sa pagalala?”
“Kasi…syempre biglaan ka na lang naging magisa, walang magulang at kaibigan. Kaya nagalala kami ni ate at ng mga kaibigan mo doon sa Baguio.”
“At saka, Mei, simula pa noon kahit keylan hindi mo pinapakita ang nararamdaman mo. Pero ngayon, nang marinig ko na meron ka ng isang tao na maaasahan, naganahan ako ng loob.”
Tito…iniisip mo pala ang mga bagay na ito.
Isang tao na…
maaasahan ko…?
Kapag sinasabi ang bagay na yan, ibang tao ang iniisip ko, hindi si Adrian.
***
“Oh, good morning Mai Mai.” Bati sa akin ni Sir. Jake habang nakatayo malapit sa entrance ng school.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
عاطفيةSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
