Daytime Firefly
Chapter 39
"Your love is about to end, like a dream in a cold summer night."
Magiging okay lang ako...sigurado ako, kasi nakabili naman ako ng love amulet nun diba? Saka hindi naman ako naniniwala sa mga ganeto...Tama, magiging okay lang ang lahat...
Jake Santos POV
A day before the school starts again, Kisei called me.
[Hello, ako 'to. May gusto sana akong itanong sa'yo. Pwede ka bang pumunta sa café ngayon?]
Tulad ng sabi niya pumunta ako sa café, na sarado pa dahil masyado pang maaga.
"Hi." Bati ko sa kanya pagkapasok ko sa loob ng coffee shop.
"Sa wakas at dumating ka na din. Its been a while, ang tagal mo na kasing hindi pumupunta sa shop." Sabi niya habang hinuhugasan yung isang baso.
"Well, I've been busy this days." Sagot ko habang sinisindihan yung sigarilyo na nakalagay sa bibig ko.
"Busy sa pagsama kay Mei?" napatigil ako sa paggalaw at hindi na nakapagsalita dahil sa gulat. "Tingnan mo yang mukha mo. You can't even say, 'Anong pinagsasabi mo? Huwag ka ngang magbiro,' ngayon."
Hindi na ako nakapagsalita. "So, totoo nga?"
"Ki―" bago pa ako nakapagsalita naunahan na niya ako at ngayon mataas na ang tono ng boses niya at may seryoso na siyang mukha. Halatang hindi na talaga siya nagbibiro.
"Tanga. Hindi mo ba naiintindihan ang ginagawa mo?"
Tinanggal ko yung sigarilyo sa bibig ko at pinatay ito gamit ng ash tray.
I clenched my hand and answered his question, "I do."
"No, you don't!!" napatingin ako ng deretso sa kanya ng sumigaw siya ng malakas. "Sa status mo ngayon, sa tingin mo mapapasaya mo siya? Paano kung hindi ako ang nakaalam ng relasyon niyong dalawa? Talaga bang kaya mo siyang protektahan at i-comfort kaagad...masasamahan mo ba siya kaagad kapag kailangan kanya? Specially when she's sad or in pain!?"
I suddenly remember the day I gave her Christmas gift. The face she made, her forced smile, the tears behind her eyes...
"16 lang si Mei, masyado pa siyang bata at marami pa siyang mapagdadaang hirap. Kung gusto mo talagang maging boyfriend niya dapat handa ka sa responsibilidad mong protektahan siya. Para sa kanya panimula pa lang ang experience na 'to. Naiintindihan mo naman ako, diba?"
"I do. I understand everything yoi said...Kaya sana huwag mo imention ito kay Mai Mai. I want you to treat her the way its been. Don't say anything and don't ask anything. Please, sana magawa mo ang hinihiling ko."
The last thing I wanted to do was hurt her but it seems like it was unavoidable.
Mei Santiago POV
"Your love is about to end, like a dream in a cold summer night."
Ang paglimot sa masasamang bagay para mapaltan ng mabubuting bagay, yun ang dapat kong gawin diba? At sigurado ako ganun din ang buhay ko.
New year na at kaylangan ko na magbagong buhay!
"GOOD MORNING!" masaya kong bati sa kanilang lahat.
"Good morning Mei." Bati din ni Lucy.
"Mei, mukhang napaka energetic mo ngayon ah kahit pasukan na ulit." Nagtatakang sabi ni Mary.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
