Chapter 1

523 14 17
                                        

Daytime Firefly

Chapter 1

You were like a shining firefly in the middle of the day…

***

“Santiago? Mei Santiago?” napakamot na lang ng ulo yung teacher. “May nakakita ba kay Miss Santiago ngayon?”

“Sa tingin ko po pumunta siya sa rooftop.” Sagot nung babaeng estudyante.

“Hay yang babae talaga na yan. Lagi na lang nagcucutting classes. Porket mataas ang grade niya…”

Mei Santiago POV

ROOFTOP

Ahh…ang ganda ng langit. Sabi ko sa aking isip habang nakaiga sa lapag ng rooftop at nakatingin sa langit.

“Ah, payday ni papa ngayon, ibig sabihin seafood ang pagkain namin mamayang gabi. Excited na ako. Pero kaylangan ko muna makasigurado. Makauwi na nga lang.”

Tumayo ako at umalis na.

Mapa highschool, elementary o kahit nursery, pare-pareho lang ang mga taong nakapalibot sa akin.

 

Sinigang na hipon. Sushi. Inihaw na pusit. Kinakanta ko sa aking isip habang naglalakad pauwi.

Sa lugar namin walang 7 eleven, walang starbucks, walang traffic lights…

Sa bayan na ito kung saan nasa pinaka dulo ng Baguio payapa at kalmado kaming namumuhay. Hindi pa ako sinisilang dito na nakatira ang pamilya ko. Siguro lima sa isang taon lang ako nakakapunta sa syodad o sa mataong parte ng Baguio.

Sa school namin hindi nila masyado pinapansin kung magcutting classes ako siguro dahil sa grades ko. Sabi ng iba nasa akin na ang lahat, yuon ang akala nila…

Pero nagkakamali sila dahil meron akong isang bagay na hindi maintindihan yuon ay ang “pag-ibig”. Hindi pumasok sa isip ko na matutong umibig ang sa akin lang makagraduate ako ng payapa.

At para mangyari yun mananatili akong nakatira sa bayan na ito.

.

.

.

Yuon ang akala ko.

“Mei, lilipat na ako ng trabaho sa Russia.” Sabi ni Papa pagkatapos uminom ng soup.

“Ano?”

“Tungkol doon, nagaalala ako sa tatay mo na pumunta doon magisa kaya sasama ako sa kanya.” Sabi naman ni mama habang nanguya. “Kaya napagisipan naming patirahin ka sa Maynila kasama ng tito Kisei mo.” Nanlaki ang aking mata sa gulat.

Eh?

“Sorry kung biglaan ito.” -mama

Ano?

“Pero gusto mo naman yung mga pagkain sa Maynila diba?”

 Eh? Teka lang…

“Si Tito mo na ang bahala sa mga aasikasuhin para sa pagtransfer mo ng school kaya huwag ka magalala.”

“…yoko…” malakas kong binaba sa lamesa ang kutsarang hawak ko at galit na tumayo. “AYOKO NITO!”

“Sobrang biglaan naman; hindi ako pumapayag! At saka hindi ko na nga matandaan yung itsura ni tito eh! Kung gusto niyo talaga umalis titira ako dito magisa!!”

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon