Reevz Pov
"Ayusin mo nga! Diinan mo pa Reevz!", angal ni Chin sakin habang minamasahe ko ang mga binti niya.
"Anak ng---", napatigil ako at napapikit dahil pinipigilan ko ang inis ko. Ang usapan namin ako ang mamasahiin niya pero eto ako ngayon at siya ang minamasahe. Sino ba naman ang di makakatiis sa kanya ng biglang umiyak dahil masakit daw katawan niya? Eh di ako. Ako itong di makatiis.
"Hindi po ako manghihilot ma'am. Pagpasensyahan niyo na ang aking serbisyo.", sarkastiko kong wika.
"Kasalanan mo to. Pinagod mo kasi ako."
"Ah....so ikaw pa ngayon ang umaangal?", napataas ang kilay ko. Naiinis ako pero di ko naman siyang masaktan. Malamang mahal ko to eh!
Kaya ginawa ko ay kiniliti ko siya ng kiniliti sa tiyan at sa kung saan saang parte ng katawan. She laugh hard habang namimilipit siya sa kakatawa.
"Tigil! Ah Reevz!",
Napapatawa na din ako.
"No!", sigaw pa din niya habang tumatawa.
She suddenly jump right out of the sofa at tumakbo para kunin ang walis tambo. Tinapat niya iyun sakin. I was grinning.
"Sige...lumapit ka at hahampasin kita nito!"
"No you won't."
"Yes i will.", sabi niya.
"You won't Chin.", I said while smiling habang unti-unting lumalapit sa kanya.
She kept on stepping back with a comical look on her face. Gusto kong matawa sa reaksyon niya. This is getting fun.
Tiningnan ko siya seductively and flash my most alluring smile. Nakita ko ang unti unti niyang pamumula. Right there and then napa isip ako na may epekto pala Ako kay Chin. And it makes me damn happy!
Walang anu-ano ng bigla niya akong hinampas sa ulo ng tambo. Napasigaw ako at namilipit sa sakit.
"F*ck Chin! Ang sakit!", sigaw ko pa.
Halos maiyak Ako sa sakit ng palo niya. Pakiramdam ko nga nagkaroon ako ng bukol sa ulo. Agad siyang dumalo sa kin at tiningnan ang ulo ko.
"Bukol.", narinig kong sabi niya.
"What??? Asan?", hinawakan niya ang kamay ko at ipinakapa sa kin yung parteng bumukol sa ulo ko. At shit na malagkit lang talaga! Ang laki ng bukol ko.
Dali-dali siyang tumakbo palayo. Umupo naman ako ulit sa sofa at dinadama pa din ang bukol ko. Ang sakit! lintik talaga! Never kong naisip na papaLuin niya talaga ako. I mean! wala sa itsura niya ang violence.
Aish! Lagot yun sa kin mamaya! asan na ba yun?? Iniwan pa talaga ako??
Nakaramdam ako ng hilo kaya Humiga muna ako. Haist! Ako na nga nagturo, ako pa ang napagod, ako pa ang pinamasahe, ako pa ang nagkabukol! Ang malas ko naman ata noh?
"Here.",
Nagulat ako ng may ice pack na siyang dala at inilagay niya iyun sa bukol ko. Nakaupo siya sa sahig sa tabi ko. Her face is so close and i can smell her scent. Nawala ata bigla lahat ag inis ko. Just like that everything disappeared. Di ko maiwasang di napangiti. Haist! I'm totally doomed. Siya ang magiging kamatayan ko.
"Anong pakiramdam mo?", tanong niya na nag-aalala, " Masakit pa ba? Sorry ha. ikaw naman kasi eh."
So close. Her beautiful face is so close gustong-gusto kong hawakan iyun. To feel her warmth...her scent.
God! This is driving me crazy!
Ipinalibot ko ang isang kamay ko sa beywang niya at inilapit pa sa kin. I close my eyes. I can feel her breathing against mine now.

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?