~waaa!!!kapagod sa byahe! Pero kahit nahihilo post pa din ako! Haha.
Chin's Pov
"We need a volunteer para sa climax ng act natin. Someone na maliit at magaan. Preferably flexible.", announce ni Reevz sa buong group.
Agad kong tinaas ang kamay ko.
"Anyone else?", sabi ni Reevz as he scan the crowd.
Winagayway ko ang kamay ko. Di ba niya ko nakikita??
Pigil na napapatawa ang barkada ni Reevz.
"Overprotective...", tukso nila sa kaibigan nila.
Napakamot sa ulo si Reevz.
"Sure na wala na talagang ibang mag vovolunteer??", tanong ulit ni Reevz.
"Ako nga, ang kulit naman eh!", bulyaw ko.
Two weeks later at nawala na ang issue tungkol kay Bea. Bumalik sa dati ang lahat. Ang tahimik naming buhay at secretong pagmamahalan namin ni Reevz.
I've never been happy in my entire life ng bumalik siya sakin. I loved him more than I can even imagine. Yung tipong napapaisip ako minsan na gagawin ko ang lahat, mapasaya lang ang taong ito. And he never disappoints me. He's sweeter than ever. Thoughtful, caring...a perfect boyfriend...pero syempre, kung di lang mainitin ang ulo at masyadong overprotective. Tulad ngayon.
"Di pwedeng ikaw ang gumawa nun.", sabi niya sakin habang naglalakad kami papunta sa kotse.
"Pumayag na ang lahat. Ikaw na lang ang hindi. Isa pa naghahanap ka ng volunteer. At fit naman ako para sa role ah. Maliit ako, magaan, flexible saka di ako takot sa mga ganyang bagay. Isa pa, ang amazing kaya ng gagawin ko...ako ang climax ng act.", masaya kong wika.
"Ugh! Di mo ba nakikitang delikado yun?"
"Eh bakit mo papagawin sa iba kung delikado?"
"Chin mag-isip ka nga, kung ibang tao ang gagawa nun di ako aatakihin sa puso tuwing nasa ere sila!", galit niyang sabi at inunlock ang pintuan ng kotse.
Haist! Galit na talaga siya ngayon...
Pumasok ako sa kotse at nag-isip ng bagay na pwedeng makapag convince sa kanya. Iseduce ko kaya? Kaso alam ko lang seduction ay yung ako yung unang nanghahalik. Other than that wala na.
Urgh! I really wanted to do it. Alam ko namang delikado pero nangingibabaw yung kagustuhan kong magawa yung stunt. Sanay naman akong matumba, mahulog, at mabalian ng buto eh. Pano ba ko natutung magtumbling kung di ko napagdaanan ang lahat ng yun??
Tsk. Bakit ang tigas ng ulo mo Reevz??
Di niya ko inimikan buong byahe. Pagdating sa bahay ay di din maganda mood niya.
Haist! Kainis talaga siya!!
11 pm na at di ako makatulog kakaisip kung pano ko siya makukumbinsi. In the end, naisipan kong kausapin na lang siya ng malumanay at iexplain ng mabuti sa kanya ang side ko.
I texted him saying na nasa labas ako ng kwarto niya. Tulog na sina anty at uncle kaya sinigurado kong di ako mag-ingay. Minutes later ay bumukas ang pinto at agad akong pumasok.
Madilim na ang kwarto niya pero may konting ilaw pa naman na pumapasok mula sa bintana niya.
Umupo siya sa kama.
"Di pa din ako papayag.", agad niyang wika.
It was like final decision na niya talaga iyun. Pero di pwede. Di ak susuko sa gusto ko!

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?