step 50

4.5K 109 19
                                    




Reevz Pov

Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa lugar ng gagong Akbar na yun. Buti na lang alam ni mama address nito dahil nagtanong siya sa mama ni Akbar.

Pakiramdam ko umiinit ang katawan ko sa galit. I was gripping hard the steering wheels as I maneuvered on the road.

Pictures of Chin and Akbar doing something dirty filled my head. Halos mabasag ko ang hawak kong phone ng marinig ko silang dalawa sa kabilang linya. At talaga pang pinarinig pa sakin!!

Langya yan!

Putang ina!

Umuungol si Chin! Ano? Nasarapan ba siya???

So ganito na yun ngayon? Madali pa la akong kalimutan? Dun na kagad siya sa ibang lalaki?? At kay Akbar pa talaga!!

Pagkarating na pagkarating ko sa building ay halos takbuhin ko ang condo ng walang hiyang Akbar na yun. Sumakay ako ng elevator at nakita ko ang sarili ko doon sa salamin.

It was a raging face. Isang mukha ng taong galit na galit na ano mang oras ay gusto ng magwala. It was the exact same face ng nasaktan ko si Chin sa Baguio.

Naalala ko ang ginawa ko at ang naging epekto nun kay Chin. How she cried back then and how I hurt her. Unti-unting bumagsak ang balikat ko at pakiramdam ko bumalik sa normal ang paghinga ko. I run my fingers through my hair at napapikit as I try to calm myself more.

Enough. Di ko na pwedeng saktan pa lalo si Chin. Sobra-sobra na ang nagawa ko.

Bumukas ang pintuan ng elevator at agad kong tinungo ang condo unit ni Akbar. I took a deep breath bago ko pinindot ang doorbell. I clenched and unclenched my fist as I waited for the door to open.

Bumukas din ang pinto sa wakas at tumambad sakin ang nakatapis na si Akbar. Ang lawak pa ng ngiti nito. All this time ganyan itsura niya sa harap ni Chin?? At ang Chin na yun...nag-enjoy ba siya?? Di hamak naman na mas maganda katawan ko kesa sa lalaking ito!

Letse! Urgh!

"Reevz...", sabi niya, "That was fast."

"Where's Chin?", tanong ko on gritted teeth.

"Panget ko...your brother here's to pick you up."

Halos matawa ako sa tawag niya sa Chin ko. Ha! Akin lang si Chin! Bakit inaangkin na niya ngayon??

Anong karapatan niya??
Unti-unti ng nauubos ang pasensya ko!

"Chin!!", tawag ko.

"Eto na!", sigaw din ni Chin na nagpakita sa harapan ko habang inaayos ang magulong buhok at damit niya.

What the fuck!!!

Agad kong kinuha ang kamay niya at hinatak siya palayo doon.

"See you tomorrow Chin!", narinig kong sigaw ni Akbar.

"Aray masakit!", angal ni Chin sa pagkakahawak ko sa kanya.

Pero di ko siya pinakinggan at kinaladkad ko siya patungo sa elevator.

"Reevz masakit.", sabi pa uli niya ng nasa loob na kami ng elevator.

Pero di ko mapigilan. Gusto kong di magalit pero galit na galit ako. Gusto kong maging kalmado pero gusto ko talagang sumigaw. Gusto ko siyang bitawan pero natatakot akong tuluyan siyang mawala sakin. I'm so angry ang sarap umiyak! I'm so pissed gusto kong manuntok! I'm so hurt gusto kong ngumawa.

Damn it hurt!

Ang sakit ng puso ko...

"What's wrong?...", malumanay na sabi ni Chin at hinawakan ang braso ko as she inch closer towards me, "Bakit ka pinagpapawisan?"

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon