"Kasama si Bea sa kotse nila Reevz ng nadisgrasya sila.", sabi pa ni Henry, "She was dead on arrival. Si Joey naman...lumaban pa siya ng konti...but soon..", hindi na natapos ni Henry ang pagsasalita as he cried again.
Napatingin ako kay Akbar.
"Hindi kaya..."
"I know. I'll look into this.", bulong ni Akbar sakin. Hinagud-hagod niya ang likod ko. I felt a little better sa ginawa niya.
Napatingin ulit ako kay Joey at kay Polly na patuloy pa ding umiiyak.
Kasalanan ko to.
"Don't say that.", bulong ni Akbar at dun ko lang narealize na nabigkas ko pala ng malakas ang iniisip ko.
Pero tingin ko kasalanan ko talaga to. Kung di dahil sakin, di maiisip ni Bea na gumawa ng masasamang bagay para kay Reevz. Di sana nadamay si Joey sa gulo. Buhay pa sana siya ngayon.
I'm sorry Polly. Napaiyak ako ulit. I'm really sorry.
......
Dumating si Anty na umiiyak din. Di pa niya pinapaalam to kay uncle dahil natatakot pa siya lalo pa at delikado din ang kondisyon nito. Di kami parehong mapakali as we waited na matapos ang operasyon. Panay ang panalangin namin. Halos di ako makaupo ng maayos.
Di ko kayang mawala si Reevz. Ayoko. Please Lord! Gagawin ko ang lahat gumaling lang siya. Please save him! I need him. I really really need him! I'll trade my life for him. Kunin mo na lahat sakin, just please save him!
I can't ever lose him! Mahal ko siya. Mahal na mahal kaya di siya pwedeng mawala. Ikakamatay ko iyun. Ikakamatay ng puso at kaluluwa ko.
Di naman ako iniwan ni Akbar at pasalamat ako dun. Kahit kinumbinsi ko siyang umuwi na, pinili niyang mag stay.
Parang ilang taon ang lumipas at sa wakas inilabas nila si Reevz sa operating room. Maraming tubo ang naka nakalagay sa kanya. Dumalo kami ni anty sa kanya agad.
Napaiyak ako sa sobrang tuwa. He's still breathing. Buhay pa siya! Di niya ko iniwan!
Thank you Lord!
Pakiramdam ko nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan.
"Kailangan pa natin siyang obserbahan ng maige. Kung di siya naitakbo dito ng maaga, malamang di na namin siya nagawang iligtas."
"Maraming salamat doc!", abot-abot ang pasasalamat namin sa doctor.
Napangiti si Akbar sakin and he was clearly relieved too.
Reevz looked like a mess. Agad siyang inilipat sa kwarto niya at doon muna kami nag stay sandali.
"Pwede ka ng umuwi Akbar. Baka pagod ka na.", sabi ko sa kanya.
Napatingin kami parehas kay Reevz habang andoon si Anty sa tabi nito at hinimas-himas ito.
"Thank you.", sabi ko pa sa kanya, "Pero I think kaya ko na mula dito. Thank you for staying."
"Iupdate mo ko ha.", wika ni Akbar, "I need to do some things."
"Okay.", bahagya akong napangiti.
He hugged me for a second saka siya nagpaalam para umalis.
Maya-maya lang ay dumating sina Dion, Tae at ang isa sa kambal. Kinumusta nila si Reevz. Puro maga pa din ang mga mata nila.
"Reevz should survive. He needs to.", wika ni Henry na maluha-luha, "Hindi pwedeng silang dalawa ang mawala."
"Para namang di niyo kilala si Reevz. Tarantado yan! Iluluwa lang yan sa impyerno.", pinilit ni Tae na tumawa to lighten up the mood pero halos wala iyong nagawa.

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?