Chin's Pov
"Woah!!! Ang ganda nito oh!", turo ni Polly sa painting ng isang kambing.
Nasa art gallery kami. Nakalatay doon lahat ng paintings na kasali sa competition. Mamayang gabi daw ijujudge ang mga painting at ngayong araw ang time para makita ang mga painting ng ibang studyante. Hindi inilagay ang name ng mga paintors para daw maging bias ang judging.
Ang sabi ni Reevz kanina nandito na daw painting niya kaya yun ang palihim kong hinahanap dito ngayon kasama si Polly.
"Ang pangit kaya...", sabi ko at kinaladkad siya sa ibang lugar para mahanap ang painting ni Reevz.
Sa wakas, nakita ko din iyun. May ilang kumpol ng studyante ang nandoon at pinag-uusapan ang painting."Adik siguro sa sex ang gumawa nito.", sabi ng isa.
Palihim akong napangiti. Ano kaya sasabihin ni Reevz kapag narinig niya mga comment ng ibang tao?
"Siguro manyak."
"O baka mahal niya."
"Psh. Pano naging ganun?"
"Di niyo ba alam na ganyan ang ugali ng mga paintors. Mahilig silang magpaint ng mga taong mahal nila. Tulad ni Mona Lisa..."
Napangiti ako as I scan the painting. Napakadetalyado talaga niyang magpaint. Una ko pa lang iyun nakita, alam ko ng ako ito.
Expose ang buong katawan ko sa painting habang nakahiga ako doon. Pero nakatingala naman ang ulo ko kaya chin ko lang ang kita doon. Maganda ang kulay at pagkakapaint ni Reevz na parang totoong tao ang nakalagay sa isang box.
I love it!
"Ows. Ang corny.", sabi ng isa at umalis na sila para tingnan ang iba pang painting.
"Oh. Tomboy ka na ba?",biro ni Polly sakin.
"Di ba maganda?", tanong ko.
"Hmmm...oo, maganda katawan ng babae."
"Hindi...yung pagkakagawa. Maganda eh.", ngiti ko.
Haist. Hindi kasi marunong sa art ang isang ito eh.
"Oo na maganda na. Pero asan ba painting ni Reevz? Balita ko meron din daw siya dito.",
Nagkibit balikat ako, "Malay."
"Halika na nga...dun na tayo sa ibang paintings.", hatak sakin ni Polly.
"So...kumusta na kayo ni Herby o ni Joey?", tanong ko habang nakaupo kami sa isang mesa habang kumakain ng burgers.
Tapos na naming libutin ang art gallery at marami din naman talagang magagandang painting doon na ka competensya ni Reevz. I wonder if tama ba yung desisyon niya na ako ang ipaint. Baka pag natalo siya kasalanan ko.
"Urgh! Ang hirap. Pakiramdam ko pinaglalaruan ko lang sila kahit di naman. Di ko kasi maintindihan sarili ko eh. Gusto ko silang dalawa at di ako makapag decide. Ito namang si Joey, pumasok pa ulit sa buhay ko ng nagustuhan ko na si Herby. Isa pa girl, ayaw niyang malaman ni Herby na gusto niya ako. Ewan ko...parang ayaw niyang ipaglaban ako.", napangalumbaba si Polly, "Si Herby naman, parang nagmumukang tanga tuloy. Ang bait pa naman nun. Atleast siya, marunong lumaban di ba? Hindi ko alam kung ang ginagawa ni Joey ay para di masaktan ang kaibigan niya o gusto lang talaga niya akong paglaruan. Kaasar."
"Eh di kailangan may isa kang dapat layuan."
"Tingin mo di ko yun ginawa kung kaya ko?", sabi pa ni Polly, "Sinasabi ko sayo napakapersuasive ng dalawang yun kung gusto nila. Like super kulit!! Di ka tatantanan tulad ni Mike Enriquez. Sumasakit na nga ulo ko eh.",

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?