Step 11

6.4K 146 6
                                    

Reevz Pov

"Bea will you f*cking wake up??", sabi ko sa kanya na inaalalayan siyang tumayo.

Aish! Iinom tapos di naman pala kaya! Di na ko nakatiis at binuhat ko na lang siya para mapadali na paghatid ko sa kanya.

Eto na nga kasi ang sinasabi ko eh. She will be clingy kapag nakipag break up ako sa kanya. Nag attempt ako kanina pero di siya pumayag. Alam kong i am being cruel dahil sinama ko pa siya dito tapos makikipagbreak lang naman pala ako, pero ayokong patagalin ito. Ayokong mas maging kumplikado ang lahat. Ngayon pang unti-unti ng nagiging kumplikado. As soon as possible gusto ko na tong matapos.

Di ko magawa ang lahat ng gusto ko kapag andyan si Bea. Di ako makalapit ng tuwid kay Chin dahil nahihiya akong may gf ako sa paningin niya. I want Chin to see na sincere ako at seryoso.

Mahirap din para sakin ang gawin to kay Bea. Guilty din ako for using her. She's really nice. Wala akong masabi. But i don't love her and 3 months is enough para pahirapan ko pa siya. Pero di niya matanggap na di ko na siya mahal kaya eto ngayon at naglasing tuloy. Pinigilan ko kanina pero ayaw magpaawat.

Ibinaba ko siya malapit sa pintuan nila. Nakasandal siya sa pader habang nakapikit pa din. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto nila pero lock iyun. Paniguradong tulog na sila. Tsk. Ayoko namang makadistorbo.

"Bea.", bahagya ko siyang yinugyog, "May susi ka ba?"

"Reevz...", ungol niya at mabilis na ipinulupot ang mga braso niya sakin, "Reevz...i love you."

Haist! Dapat yung barkada na lang naghatid sa kanya eh.

"May susi ka ba ng kwarto mo?", tanong ko ulit.

Ngumiti siya at tumango. Then she kiss me suddenly. I push her pero hinawakan niya ng mahigpit ang ulo ko para idiin sa labi niya. She's a strong drunken woman!

This is f*ck up!!

Nakarinig ako ng singhap mula kanino. Mabuti na lang at pinakawalan ako ni Bea  at ng nilingon ko kung sino yun. I saw Chin na gulat na gulat.

"I'm sorry!", sabi niya saka agad isinara ang pinto.

Nice. Just so F*cking nice!!

"Reevz...", ungol ulit ni Bea.

Tinulak ko si Bea para ipin down siya sa pader. Aish! Ang sarap iwan ng babaeng ito!

Kinatok ko ang pintuan.

"Chin open the door.", mahina kong wika.

Maya-maya ay bumukas din naman iyun. Napakagat labi siya. Gusto ko sanang mag explain pero i know i would just sound stupid.

Binuhat ko ulit si Bea at ipinasok ito sa kwarto nila. Itinuro naman ni Chin ang bed nito. Inihiga ko siya doon...no...more of tinapon ko siya dun.

Pinalo ni Chin ang braso ko kaya napaaray ako sa sakit.

"Ba't di mo dinahandahan!", mahina pero galit niyang wika.

"Di naman niya yun maaalala bukas.", sabi ko.

"Ang sama mo!"

"Alam ko.", sabi ko, "Ba't gising ka pa?"

"Nauuhaw ako. Open pa ba yung canteen?"

"Di ako sure. Samahan na lang kita."

"No. Matulog ka na...ako na lang.", sabi nito na dali-daling lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga ako. Guess naiilang pa din siya sa nangyari kanina. Napahawak ako sa mukha ko sa naalala ko. F*ck that boobs! Grrr!

Sinampal ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. Napatingala ako sa kisame at napapikit. Focus Reevz. Di ka manyak.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon