I wrote half of this chap while riding on the bus pauwi sa probinsya namin. Wahaha..kainspired eh.
Chin's Pov
"Wooo!!! Ishoot niyo mga tanga!", frustrated na sigaw ni Tae sa upuan namin at winawagayway ang saklay nito na para itong bandila.
Nanonood kami ng basketball match ni Henry at Herby. Magkalaban nga lang ang kambal. Which means nasa isang team ang isa sa kanila. It was funny watching the game dahil palaging nagkakamali ng pasa ang mga kateam nila. Yung team ni Herby pinapasa ang bola kay Henry at vice versa. Kahit iba ang color ng damit nila, di pa din maiwasan ng mga kagrupo nila na malito sa adlawa. Di naman nila magawang paupuin ang kambal dahil pareho itong ace ng bawat team.
Tawa ng tawa ang barkada ni Reevz tuwing nagkakamali ng pasa ang mga kmyembro ng kambal. Actually, para kaming nanonood ng comedy show kesa sa basketball game dahil sa lakas ng tawanan nitong mga kaibigan ni Reevz. Mga baliw talaga silang lahat.
"Bakit ba kasi nagkaganyan ang sitwasyon?",bulong na tanong ko kay Reev.
"Trip lang yan ng kambal. They know it's funny. Di lang sila tumatawa ngayon but after the game? Ewan ko na lang kung makahinga pa sila.",natatawa nitong wika, "Besides, it's really fun."
Right. I rolled my eyes. Parang mga tanga lang eh. So sumali lang sila diyan dahil nakakatawa? Iba din trip nila ah.
Nag ring ang phone ko bigla...si Polly.
"Asan ka na?", tanong ko dito.
"Kanina pa ba nagstart ang game?", tanong niya.
"Yeah...nasa third quarter na.", sagot ko.
"Ok...hahabol ako dy---"
"I said don't go. Ano bang problema mo??", narinig ko ang boses ni Joey sa kabilang linya na halatang galit.
Ha? Magkasama sila? Kaya pala eh. Kagabi ganito din ang peg nila. Sabay silang nawala ng bumalik kami sa gymnasium. Ang sabi nila bigla lang daw nawala ang dalawa sa gitna ng kaguluhan. May hinala na talaga ako na magkasama silang dalawa. Hinanap kaya siya ni Herby kagabi tapos cannot be reach pa phone niya.
"Polly kasamo ma ba si..."
"Yeah...mamaya na lang Chin. Bye.", dali-dali niyang pinatay ang tawag.
"Chin...bili ako ng pagkain anong gusto mo?", tanong ni Tae bigla sakin.
"Ah, tubig sana saka--"
"French fries, burger, saka Piatos na malaki. Salamat.", putol ni Reevz, "Marshmallow din, paborito ni Chin."
"Paborito mong marshmallow??"
"O---"
"Kasasabi ko lang di ba?", asar na wika ni Reevz.
"Ang sungit talaga nitong tarantadong to!", asar na sabi ni Tae.
"Maawa ka sa pilay bro.", tawa ni Dion.
"Pag ako naasar dito...,",kunwari galit ito.
"Ano?", tanong ni Reevz na pinandilatan ito.
"Iuuntog ko ulo mo para magka amnesia ka. Tapos, makakalimutan mo na magkapatid kayo ni Chin.", tawa nito saka dali-daling tumakbo paika-ika gamit ang saklay.
"Tae talaga ng ugali nun.", asar na sabi ni Reevz.
"Ang harsh mo.", bulong ko sa kanya.
"Sinabihan ko na yan kagabi na di totoo sinabi mo at di mo siya crush pero pinagpipilitan pa din na masyado lang akong overprotective. Kaasar kaya. Sarap pilayan ulit eh."
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?