~close your eyes! Intense itech!Chin's Pov
"Ay! Shemay!", bulalas ko ng may makabangga akong tao at nahulog ang mga papers na ipapasa ko sa guro namin as project.
Pero nagulat ako ng nakita ko si Ferd pala iyun. Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago siya yumuko at pinulot ang mga papel sa sahig.
"Sorry.", sabi niya at inabot sakin ang mga papel. Kinuha ko din naman iyun.
"Thanks.", sabi ko.
Ilang araw na di ang nakaraan simula ng binasted ko si Ferd at ito ang unang pagkikita namin. Isa lang ang masasabi ko ngayon.
Awkward.
Di ko alam kung kakausapin ko siya o hindi...kung ngingiti ba ko a babatiin na lang siya.
"He--", bago pa ko makapagsalita ay linagpasan na niya ko at naglakad palayo.
Napabuntong hininga ako.
Alam kong aabot kami sa ganito. Nakakalungkot lang isipin na di ko na ulit siya makakasama bilang kaibigan sa mga susunod na buwan. Ferd really means something to me as a friend. Sana lang bumalik pagkakaibigan namin soon.
"Hey.", bigla hinawakan ni Reevz ang braso ko at nagulat pa ko sa biglang pag sulpot nito, "Let's talk.", at kinaladkad ako malapit sa parking area leaving me with no choice.
"Ano?", tanong ko ng nasa parking area na kami kung saan walang tao.
"Uhm...", napahawak siya sa buhok niya at ginulo iyun habang hindi mapakali ang mga mata niya.
"Ano nga?", tanong ko ulit.
Anong problema ng isang to?
Tiningnan niya ko sa mga mata ko bago napabuntong hininga."You...bi-binasted mo si Ferd?", tanong niya.
Napakunot-noo ako. So alam na niya. Sino kaya nagsabi?
"Oo. Bakit?", tanong ko uli.
He look at me for a brief moment bago unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
Something in his smile makes me want to cringe. Tingin ko kasi alam ko na kung anong iniisip niya at ayokong iniisip niya iyun. Ayoko.
"Reevz anong iniisip mo?", pang aakusa ko.
"Nothing.", ngiti pa din niya at halatang halata kung gano ito natutuwa ngayon. Halos maningkit na ang mga mata nito at kita ko lahat ng ngipin niya sa ngiti nito.
I rolled my eyes not wanting to feed his happiness dahil di ko iyun kayang panindigan.
"Yun lang ba itatanong mo?", tanong ko ulit.
"Yes--no. I mean...", bumunot siya ng malalim na buntong hininga at yinakap ako.
It was a gentle hug like he was afraid I might shatter kapag hinigputan niya yakap niya sakin. Although I don't mind shattering from his hug.
Napapikit ako habang dinadamdam ang yakap ni Reevz. This always feel comfortable...warm...perfect...and wonderful.
"Hay salamat isa na lang.", sabi niya while still hugging me.
"Huh?"
Kumalas siya sa yakap at ginulo ang buhok ko.
"Wala. Sabi ko hintayin mong matapos practice ko mamaya. May pupuntahan tayo."
"Saan?"
Ngumiti lang siya at naglakad paatras, "Basta hintayin mo ko.", sabi niya saka tumalikod at tumakbo palayo.

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?