Chin's Pov
Tinakbo ko ang backstage ng halos sampung segundo lang. Nadatnan kong may kaguluhang nangyayari pero di ko naman makita dahil natatakpan iyun ng mga nagkukumpulang tao. Pinilit ko ang sarili kong makapasok doon para makita kung anong nangyayari. All the while my heart was beating so fast. Pano pag binugbog nga ni Reevz si Tae? Kasalanan ko talaga yun. Wala pa namang kamalay-malay yung tao.
"Steady...steady...", sabi ni Reevz na nakaluhod sa semento. Hawak niya ang paa ni Tae at inaalalayan ito.Si Tae nakahiga sa sahig at namimilipit siya sa sakit habang hawak-hawak ang tuhod nito.
Wait...what??
"May medics ng parating.", sabi ni Dion na kakarating lang.
"Reevz ang sakit putek wag mong galawin!", angal ni Tae.
"Anak ng tokwang tae ka! Di ko ginagalaw ikaw itong malikot! Tumigil ka sa arte mo kung hindi puputulin ko to ngayon.", naiiritang sabi ni Reevz.
Ha? Teka...anong nangyayari? Naguguluhan pa ko.
"Hay salamat nakarating ka na din.", wika ni Polly na tumabi sakin.
Sabay na napatingin sakin si Reevz at Tae. Agad na ibinaling ni Reevz ang tingin sa ibang direksykon. Kinawayan ako ni Tae at simpleng napangiti na parang di ito namimilipit sa sakit kanina.
"Ano bang nangyari??", tanong ko kay Polly.
"Nahulog siya sa hagdan.", sagot ni Polly.
"Ang likot kasi.", wika pa ni Herby na katabi si Polly.
"Wag kang mag-alala Chin. I'm okay. Malayo to sa bituka.", ngiti nito.
Nakahinga ako ng maluwag sa mga narinig ko. Atleast hindi si Reevz ang reason kung bakit nahulog si Tae sa hagdan. Isa pa, di yun gagawin ni Reevz.
Pero ng narealize ko ang nangyari, agad din naman iyun napalitan ng pagkaasar sa kaibigan ko.
"Napakasinungaling mo!", asar kong wika kay Polly.
"Kailangan ka ni Tae ano ka ba.", wika pa ni Polly, "Di ba Tae?"
She didn't just said that. Napalingon ako kay Reevz na nakakunot ang noo ngayon.
Lagot."Bakit naman siya kailangan ni Tae?", halos malukot mukha ni Reevz.
"Gusto ni Chin si Tae.", sabi lang ni Herby kasabay ng pag signal ni Tae na tumahimik ito.
"Ano??", gulat na sabi ni Reevz at binitawan ang pagkakahawak niya sa paa ni Tae.
Napasigaw si Tae sa sakit. Namilipit ito sa sahig habang paulit-ulit na sinusuntok ito. Tawa ng tawa si Dion at Henry...pati si Joey ay napatawa din. Halatang nagugustuhan nila ang mga nangyayari sa harapan nila.
"Hala lagot!", kantsaw nila kay Tae.
"Putang ina!!", bulalas ni Reevz.
Ayan na. Yan na nga ba sinasabi ko eh.
Takbo Chin! Tumakbo ka na habang maaga pa.
"Oops!", narinig ko si Herby.
Bigla na lang pumatong si Reevz kay Joey at sinakal iyon na parang gusto na nitong patayin ang kaibigan niya.
"Kailan pa! Kailan pa ha!", galit na sabi ni Reevz habang sinasakal ang kawawang si Tae na di na makahinga.
Agad na dumalo ang iba at inawat si Reevz. Bago malagutan ng hininga si Tae ay nakuha na nila si Reevz sa pagkakapatong nito. Panay ang ubo ni Tae.
Ano ba...takbo na Chin. Go!
"Ikaw!", turo ni Reevz sakin. He was raging with anger. Para siyang bull na nilalabasan ng usok ang ilong at tenga sa sobrang pagkainis nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/30099783-288-k200215.jpg)
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomansaWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?