Chin's Pov
"Mhhh...kulang ng vanilla extract.", sabi ni Polly habang kumakain ng linuto kong strawberry cake, "Grabe...ikaw pa naman yung nag third place tapos kulang ng vanilla extract."
"Naubusan kami sa bahay. Masarap pa din naman ah. Ang sensitive naman ng panlasa mo.", sabi ko.
"Masarap nga, kulang naman.", sabi nito.
"Ang arte mo.", sabi ko na napatawa.
"Lika dun tayo sa kwarto.", bulong niya at tumungo kami doon.
Oras na para ikwento niya sakin lahat ng nangyari. I wish pwede ko ding ikwento kay Polly lahat ng nangyayari samin ni Reevz. Kaso delikado eh. I wonder if anong magiging reaksyon ni Polly kapag one day nalaman niya ang tungkol samin?
Haist.
Umupo ako sa kama niya habang may kinuha siyang something sa drawer niya.
"Skip the details of your almost love making scene.", sabi ko.
Ayokong maimagine ang kaibigan ko sa isang porn scene.
"No way! Yun nga yung highlight ng kwento ko eh."
Binato ko siya ng unan.
"Biro lang! Ang sakit nun ah. Oh, catch!",
Sinalo ko ang isang sing-sing. It was just a plane silver ring. Except nakaukit dun ang isang heart.
"Ano to?", pagtataka ko.
"Bigay niya sakin.", ngiti niya at kinuha iyun sakin. Humiga siya sa kama habang tinitingnan ang sing-sing na parang iyun ang pinakamagandang dyamante sa mundo.
"Kayo na ba??", gulat kong wika.
Napasubsob siya sa kama at napabuntong hininga.
"No.", wika niya, "Di pa..."
"Di pa...so ibig sabihin ba nito si Joey ang mas mahal mo?? Dahil may plano ka ng sagutin siya?"
Bigla siyang bumangon na ikinagulat ko.
"Mali ba ang desisyon ko? Mali ba na si Joey ang mahalin ko? I mean..simula pa lang siya na talaga ang gusto ko eh. Kaso napaka loser niya. Hanggang ngayon di pa din niya masabi kay Herby. Oo, naiintindihan kong takot siyang masaktan ang kaibigan niya o masira ang barkada nila, pero pano naman ako? Am I not worth fighting for Chin? Kasi...kung hindi niya ako kayang ipaglaban, tapos si Herby...si Herby nakikita kong lumalaban. Parang nakikita kong mas mahal ako ni Herby eh. Pero si Joey pa din ang nagugustuhan ko. Bakit ganun Chin? Bakit tingin ko ang tanga-tanga ko? Ang bobo."
"Shhh...tama na nga yan. Huminahon ka muna.", sabi ko na inawat ang pagiging hysterical niya, "Stop saying it like that. Baka kailangan lang ni Joey ng panahon."
"Binigyan ko siya ng taning.", sabi ni Polly.
"Anong klaseng taning?"
"2 weeks. Kapag di pa niya nasabi kay Herby...I think hanggang doon nlng ako Chin. But I'm hoping and praying na masabi na niya."
"Eh pano si Herby?", tanong ko.
Kawawa naman yung lalaki. Wala talaga siyang alam sa mga nangyayari sa paligid niya.
"Last nag-usap kami, pagkatapos nung may muntikan na..you know...pinahinto ko na siya kaso ayaw pa din niya eh.",
Napabuntong hininga ako. Kung ganun ang solusyon lang sa lahat ng problemang ito ay si Joey. Sa oras na lumaban si Joey, lalaban din si Polly at yun lang siguro ang makakapag kumbinsi kay Herby na sumuko.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?