-yung mga nakabasa ng step 69 di ko napansin na kulang yun. Already fixed it so balikan niyo nlng yung last part. Hanggang sa part lng kasi yun na tumalikod si Chin. Sorry guys. And hope you enjoy this chap :)Lihim akong napangiti pagpasok ni Chin sa loob ng kotse.
"Ituro mo lang ang daan okay?", wika ko.
"Okay."
Nagsimula na akong mag drive at tahimik lang kami sa loob. Wala ng masyadong sasakyan sa kalsada ngayon.
Brings back the memories noon. We kind have our own world sa loob ng isang kotse. Wala kasing nakakita and it was private. Pero kahit ganun, we really enjoyed those moments together. I wonder if yun din kaya iniisip ni Chin ngayon. I wonder if she still remember.
I decided this to be our last trip together. I decided to give up now. I decided to stop.
I realize naging magulo ang buhay ni Chin because I was selfish enough to have her kahit na hindi pwede. Naging mali ang lahat because of me. I caused her pain and misery. I could only imagine gano naging mahirap para kay Chin lahat ng pinagdaanan niya noon.
But now, I decided to be selfless. To let her be happy as what she deserves. Sumusuko ako hindi dahil di ko siya mahal. Sumusuko ako dahil sobra sobra ko siyang mahal. At kahit anong gawin ko, hindi siya magiging masaya sakin. Palagi lang siya iiyak. Bawal kasi kami at sapat na yung rason para bumitaw ako.
So now is the last time na makakasama ko siya. The last time na pwede ko siyang pasayahin. The last time na pwede ko siyang mahalin.
A farewell trip?
Ahhh...that thought hurts.
"Daan tayo sa convenience. San banda?", tanong ko.
"Diretso lang. Meron dyan sa unahan.", sagot naman niya.
"So...kilala ko pala si Akbar noon noh? I guess magkaibigan kami?", sabi ko...may masabi lang na topic.
"Sort of.", kibit balikat niya.
"Matagal na ba kayo?"
"M-medyo..."
"A year? Two years? Three?"
"Two months."
"Two months??", gulat kong wika, "Nagbibiro ka ba? Tapos magpapakasal kayo agad after two months??"
"Well...It's not like he's a stranger. It's been more than three years na nakilala ko siya.", wika niya as she looked outside the window. Napansin kong di pa niya ko binalingan ng tingin, "And...he was there. He stayed.", mahina niyang wika.
And I wasn't there? Ganun yun. But it doesn't mean na iniwan ko na siya. It's her who left me. Dapat nga di niya ko iniwan eh. Kung mahal talaga niya ko di dapat siya umalis.
Geez. There's no use in blaming her. I know she wouldn't just leave me like that kung wala siyang mabigat na rason.
Argh! Naaasar ako.
Keep calm Reevz. This trip should be fun.
"Ito na ba yung convenience store?", tanong ko ng nakita ko yung tindahan.
"Yep."
I started to stop at front of the store. Tinanggal ko yung seatbealt ko pero mukhang walang plano si Chin na bumaba.
"Wala ka bang bibilhin?", tanong ko.
"Wala.", sabi pa niya.
Bumaba ako ng sasakyan at pumunta ng store. Bumili ako ng dalawang can of beer, ilang chips, at syempre ang paborito niyang marshmallow.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?