Chin's Pov
"Yeba man! Kainan na!", sigaw ni Tae habang nasa hapag kami.
Tinakpan ni Joey ang bibig ni Tae, "Tae ka talaga! Ang bunganga mo!"
"Ano ba! Wag ka ngang kill joy.", pinalis niya kamay ni Joey.
Inamoy naman ni Joey ang kamay niya na pinantakip sa bibig ni Tae. Napangiwi siya, "Yuckz! Amoy tae ka talaga!"
Nagtawanan kami sa kakulitan nila.
Kumakain na kaming lahat ngayon. Si Anty at Uncle ay nagsusubuon pa. Naalala ko tuloy si mama at si papa na ganyan din kasweet noon. I shrugged the memory. Malulungkot na naman ako nito mamaya.
They really appreciate my dishes. Sarap na sarap sila kaya enough na yun para maging masaya ako.
Yung barkada ni Reevz ay parang patay gutom kung makakain. I wonder bakit ang sexy pa din nila kahit ganun sila kung kumain. Nakita ko pa si Bea na sinusubuan si Reevz. Umiiling naman ito at napapakunot ang noo.
Hah! Buti nga! Tsk. Bakit kasi parang linta si Bea? Kung makadikit siya kay Reevz parang di ito mabubuhay ng wala ito. Gaya-gaya pa kay anty at uncle. Walang originality.
Oh! Anong problema ko?? Ba't ako naiinis? Shemay naman eh! Wala to noh. Baka malapit ng dalaw ko kaya naiinis ako agad sa mga nakikita ko.
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kainan namin. Panay din ang kuha ng picture ni Polly sa aming lahat. Ang kukulit ng barkada ni Reevz kaya walang boring moment. I was having fun. At masaya akong nakikitang nakangiti din silang lahat. This is like my family now. And i realize how much i love the people around here.
Guess i'm blessed na nagkaroon ulit ako ng ikalawang pamilya.
Napatingin ako kay Reevz na sinasakal si Henry pero nagtatawanan naman sila. He was smiling from ear to ear at minsan ko lang siya makita ng ganito. That genuine happiness. The sound of his laughter is really nice to hear. Dagdagan pang sobrang gwapo niya tuwing ngumingiti o tumatawa siya. Siguro pareho din kami ng nararamdaman. Masaya.
Nahagip niya ang tingin ko and he wink at me and smile. Dinilaan ko siya at inirapan. Ng tingnan ko uli siya he was smiling at me. Napangiti na din ako at napailing. Pacute din minsan ang lalaking to eh!
Maya-maya ay nag-aya ng maligo silang lahat. Sina Anty at Uncle naman ay naglakad-lakad sa dalampasigan while holding hands.
Me and Polly were chatting sa cottage since tapos naman kaming maligo kanina.
"Ako na siguro ang pinakamaswerteng nilalang ngayon Chin. Biruin mo, napapalibutan ako ng mga hunks!", tawa niya.
Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Polly will always be Polly.
"Crush ko na ata ang kambal. Ayeee!", kilig na kilig ito.
"Sino sa kambal?"
"Silang dalawa."
"Pwede ba yun?
"Eh sa hindi ko alam kung sino si sino. They really look like alot. Kahit palatandaan man lang wala akong makita. So para sakin, iisa lang sila. Anyways, kahit anong itawag ko sa kanila lumilingon din naman sila. Like pwede kong tawagin ang isa sa kanila na Henry o Herby."
"Well...di ko din naman sila madifferentiate.", sabi ko pa.
Ang hirap lang din eh.
"Hindi ko pinapansin sila noon kasi kahit gwapo sila i heard they are really kinda wierd."
"What kind of weird?", tanong ko.
"May sarili silang mundo. Just look at them,..pinagtitinginan sila ng mga babae at naglalaway pa ang mga ito pero wala silang pakealam. Kahit si Bea na ubod ng sexy ay di nila pinapansin. Take note pati si Reevz na girlfriend si Bea ay walang pake sa sexiness ni Bea. I heard they have their own world. At alam mo pa, narinig ko, tuwing nasa bars sila, hindi nila pinapaupo ng basta-basta ang ibang babae. If you sit with them, you're very damn special.",
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?