Chin's Pov
"Hoy...",
Naramdaman ko ang sarili kong yinuyugyog.
"Ano ba...", angal ko.
"Hoy...", at mas malakas niya akong yinugyog.
Nagmulat ako ng mata at nakitang yinuyugyog ako ni Reevz gamit ang isang paa nito.
"Ano ba! Anong problema mo??", asar kong wika.
"Gumising ka na, magluto at papasok na tayo ng school.", sabi nito.
Kinuha ko sa tabi ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 5:30 am.
"Ang aga-aga pa!", halos maiyak ako dahil 6:30 ako madalas magising.
Isang oras pa! Isang oras pa ng tulog ang mawawala sakin. Hindi! Ayoko pang gumising!
Tinabunan ko ng unan ang ulo ko saka pumikit ulit. Tumahimik naman bigla kaya inisip kong tumigil na si Reevz.
Walang anu-ano ng may biglang humablot sa paa ko at hinila ako. Napasigaw ako sa gulat. Kalahati na ng katawan ko ay nasa labas ng kama.
"Urgh!", napatayo ako at hinarap siya, "Ano bang problema mo!!!"
"Sabi ko magluto ka na.", sabi lang niya.
"Bakit ako? Tsaka ang aga pa!", irita kong wika.
"Dahil maaga ang pasok ko. At sasabay ka din naman sakin kaya maaga ka ring papasok ngayon.",
"Susunduin naman ako ni Ferd kaya mauna ka na.", sabi ko.
"Di ka niya masusundo.", sabi nito.
"At bakit?", nakapamewang kong wika.
"Dahil may praktis kami. Kaya nga maaga tayong papasok eh."
"Huh? Eh di ako na lang papasok mamaya."
"At maliligaw ka na naman?"
"Di noh! Memorize ko ng papuntang school."
"Nope. Sasabay ka sakin. Kung ayaw mong kaladkarin kita mamaya. Wag mo kong subukan Chin. Sa liit mong yan, kaya kitang kaladkarin.", saka agad na lumabas ng kwarto ko.
Naiwan akong nakatunganga.
Naiwan sa ere ang mga sasabihin ko dapat dahil nauna na siyang umalis.
Uurrrgggg! That guy! Nakakainis talaga siya!!! Bakit na naman ba siya nanggugulo??
.....................................................
Chin's Pov
Nagluto na lang ako ng makakain namin dahil una, ayokong makaladkad at pangalawa, gising na gising na ko. Alam kong di na din naman ako makakatulog.
Tapos na siyang maligo ng natapos na din akong magluto dahil hotdog lang naman yun. Fried rice lang din ang ginawa ko para naman di na magtagal.
"Thanks.", sabi nito na umupo na sa mesa.
Wow. Ha. Thank you daw?
"Welcome.", sabi ko.
Sakto naman din ang pagkagising ni anty.
"Morning anty!", bati ko, "Ititimpla ko po kayo ng kape.", sabi ko at pinagtimpla na ito.
"Bakit ang aga niyo ata ngayon?", tanong ni anty samin.
"May praktis kasi kami ma.", sagot naman ni Reevz.
"Oh , ba't maaga ang praktis niyo?", tanong ni anty, "Di ba pwedeng mamayang hapon na lang?"
![](https://img.wattpad.com/cover/30099783-288-k200215.jpg)
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?