~Hello guys! Thanks for constantly voting! I like reading your comments so keep it up!
"Ano ba...", itinulak ko ang katabi kong babae na nakadikit sakin.Nakarinig ako ng malakas na kalabog. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang babae na tumatayo galing sa sahig.
Tinabunan ko ang ulo ko ng unan at natulog ulit.
Bigla na lang nakaramdam ako ng suntok sa tagiliran ko.
"Aray??!!", galit kong wika.
"Tinulak mo ko sa kama!!"
"Sinabi ko ng umuwi ka kagabi di ba? Di ko na kasalanan kung masikip ang kama ko!"
"King size ang bed mo!!"
"Masikip pa din.", sabi ko at tumayo.
Kainis. Di na ko tuloy makatulog ulit ngayon. Buti nga at di ko siya pinalayas kagabi.
Dumiretso ako sa banyo at naghilamos.
Urgh! Ano na bang nangyayari sakin ngayon? Panong natulog lang kami ng babaeng Mitch na to. Tsk. Pagod lang siguro ako.
Naalala kong may isa pa nga pala akong papalayasin ngayon. Hindi ko kaya na nandito siya.
Lumabas ulit ako at nakitang nag hahanda na si Mitch na umalis.
"I'm going home!", galit niyang sabi.
"Bye.", sabi ko lang.
Tiningnan niya ko ng masama.
"Tama nga talaga sabi ng ibang tao sayo! You're a jerk! An asshole!", galit pa din nitong wika at padabog na lumabas ng kwarto.
Tsk.
Dami na talagang tsismosa sa panahon ngayon.
Nag-unat muna ako at inayos ang buhok ko. Konting perfume lang at nagsuot ako ng sando.
Ahem!
Stay cool Reevz.
Lumabas ako ng kwarto at napansin ko na wala sa sofa si Chin. Dumiretso ako ng kusina at doon ko siya nadatnan na natutulog sa mesa. May mga nakahanda ng pagkain doon at mukang kanina pa niya iyun niluto dahil malamig na ang mga ito.
Mahimbing ang tulog niya at medyo natatakpan ng buhok niya ang mukha nito. Before I knew it, I was reaching out for her. I tucked some strands of her hair behind her ear.
She's really here, huh? Akala ko talaga never ko na ulit siyang makikita.
Still...parang di totoo.
I'm happy na magkabati na sila ni mama. Atleast wala na siyang kailangan na alalahanin.
Haist.
Napatingin ako sa pagkain na hinanda niya. Mukang masarap ang mga iyun. Maaga kaya siyang nagising para magluto? Hindi kasi simple itong mga ginawa niya.
Tsk. Bakit pa? Siguro araw-araw din niyang nilulutuan si Akbar nito. Tapos ipapakain niya sakin to ngayon?
Kailangan na talaga niyang umalis.
"Ch-chin. Gising na...lumayas ka na dito..."
Weird. Ayaw lumabas ng boses ko. Para tuloy akong bumubulong.
Biglang tumunog ang phone niya at napabalikwas si Chin sa pagkakatulog.
Gustong tumakbo ng mga binti ko. Pero di pwede. Siya ang palalayasin ko ngayon!
"Reevz. Gising ka na pala.", bati niya, "Ah...kumain ka muna ng breakfast."
"Ayoko. Itapon mo lahat ng yan."
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?