step 53

4K 82 4
                                    

~medyo boring tong sinulat ko na 2 chaps pero sa susunod exciting na! So please vote pa din kayo. Thanks!



Chin's Pov

I was staring at myself on the mirror. I was horrible. Ang panget ko. Ang panget ng buhok ko. Ang panget ng damit ko. Ang putla ko. Ang itim ko. Ang pangit ng katawan ko...ng kuko ko...ng legs ko.

Ang panget ko kaya niya ko iniwan. Kaya niya ko pinagpalit. Kaya mas pinili niya si Bea.

Kinuha ko ang inipon kong pera sa alkansya ko. Malaking naipon ko dahil di naman ako masydong gumagastos sa school. Ipon ko yun ng two years simula ng napunta ako dito kina anty at uncle.

"Anty..punta po tayo sa salon. Libre ko po. Binuksan ko po kasi ipon ko.", sabi ko.

"Oh? Talaga? Libre mo ko?", gulat na sabi ni anty.

"Oo naman po! Magpagupit po tayo ng buhok saka manicure pedicure?"

"Ahem...anong naisip mo at gagawin mo yan? Inimbita kita noon maka ilang beses at ayaw mo. Bakit ngayon gusto mo na agad?",

"Hehe. Bored na ko eh.", dahilan ko.

"Nakuuu...kayo na ba ni Akbar at nagpapaganda ka na?", tawa ni Anty.

"Di po ah..gusto ko lang po maging better."

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Sige na po anty. Bihis na kayo.", sabi ko na ipinasok siya sa kwarto nito, "Bilisan niyo po."

"Oo na...oo na..", tawa nito.

Nagpagupit ako ng pixy cut short hair at pinakulayan ko ito ng ash gray. Yung uso na madalas kong makita sa facebook. Akala ko magiging pangit ako pero tingin ko mas gumanda ako. Haha. I liked it.
Kahit si Anty ay nagustuhan ang new look ko.

Pagkatapos ng manicure at pedicure namin, nag shopping kami ni anty ng konti at bumili ako ng mga bagong damit, sapatos, mga make-up at pangpaputi sa balat.

Binilhan ko din si Anty ng magandang bag dahil mahilig siya dun.

Noon, madalas naman akong isama ni anty pag nagshoshopping siya at binibilhan niya ko ng mga damit na hanggang ngayon nakatago lang sa kabinet ko. Plano kong suotin na ang mga yun ngayon.

Kaso nakita ni anty na wala akong gana tuwing sinasama niya ko kaya huminto siya sa pagyaya sakin.
Di ko alam na masaya pala tong gawin dahil noon nakakapagod itong tingnan. Pareho kami ng style ni Anty kaya kung ano nagugustuhan ko nagugustuhan din niya.

"Sabihin mo na kasi kanino ka nagpapaganda?", tanong ni anty habang kumakain kami sa isang resto.

"Para sa sarili ko.", tawa ko.

"Wag mo kong sagutin ng ganyan dahil alam kong lalaki ang dahilan diyan. Nagpapaganda lang naman ang mga babae kapag may nagugustuhan na."

Napangiti na lang ako at sumubo ng kinakain ko.

"Ayaw mo talagang sabihin?", ngiti ni anty na mas mukhang tinutukso ako.

Gusto kong mag open up ng konti pero natatakot ako baka kung ano ang masabi ko.

"S-sinabihan po kasi ako ng isang schoolmate ko na panget daw ako.", dahilan ko.

"Sino??? Sino nagsabi??", gulat nitong wika at bigla na lang nagalit,"Nakuuu..sabihin mo at ipapapulis natin yan. Bakit maganda ba siya? Sino ba siya para sabihan ka niya ng ganyan?? Sabihin mo ang pangalan sa uncle mo ng maparusahan siya!"

Napatawa na lang ako.

"Si anty talaga. Hayaan niyo na. Ipapakita ko na lang sa kanya na maganda na ko ngayon.", sabi ko flipping my hair.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon