"Congrats tol.", sabi ko kay Joey as I was driving him papunta sa hospital kung asan si Polly, "Pero sa susunod ha, di mo ko driver."
"Psh. Ano ka ba kumpare, favor lang to noh.", wika ni Joey ma tumawa.
"Langya. Kinikilabutan ako sayo. Di ako makapaniwalang inunahan mo pa kami ni Chin."
"Gawa na kasi din kayo. Ako inunahan ko na kahit wala sa plano...ayoko ng mag aksaya ng panahon kay Polly."
Napangiti ako. Napaisip tuloy akong gumawa na din. Haha. Kaso mahirap pa sitwasyon namin ni Chin eh.
Dumating kami sa hospital at halos takbuhin ni Joey si Polly ng makita ito. Nagtatalon pa iyun sa tuwa habang medyo matamlay naman si Polly. Linambing lambing ni Joey ng konti at natuwa na din si Polly.
Haist. Babae kasi nagdadala ng bata so maybe gulat pa at di makapaniwala si Polly.
Ano kaya magiging reaksyon ni Chin kapag siya ang nasa posisyon ni Polly? Tsk. Curious tuloy ako. Haha.
"Mauna na kayo sa klase niyo. May mga laboratories pa na pinagawa sakin ang doctor eh. Saka masama din pakiramdam ko so di muna ako papasok ngayon."
"Okay. Balikan kita after ng klase ko.", sabi ni Joey, "Wag ng matamlay mukha mo, baka pumangit baby natin."
"Pag kamukha mo to papangit talaga to.", wika ni Polly at napangiti, "Sige na, baka ma late kayo sa klase niyo."
"Congrats Polly.", sabi ko dito, "Bye."
"Ingat kayo.", paalam nito.
"Love you.", sabi ni Joey and kiss her sa lips.
"Che.", tawa ni Polly.
Sumakay na kami ng kotse para bumalik ulit sa school namin. Ang laki ng ngisi ng tukmol at halatang tuwang-tuwa ito sa balita.
"Sasabihin ko na agad parents ko mamaya. Baka mahimatay si mama. Bwahaha!"
"Naaamoy ko na ang letson.", tawa ko.
Biglang may pumasok sa likod ng kotse. At sa isang kisap mata, may nakatutok ng baril sakin.
"Drive.", sabi ni Bea.
"Bea. Anong ginagawa mo??", sabi ni Joey.
"I SAID DRIVE!!", sigaw nito.
Agad kong pinaandar ang kotse.
Napatingin ako sa kanya through the mirror. She was a mess. Halos di ko na siya makilala. Sobrang laki ng pinayat nito sa last time na nakita ko siya.
"Bea ibaba mo ang baril.", sabi ko sa mahinahong boses, dahil nakatutok pa din iyun sakin, "Please? Let's talk. Ng mahinahon."
Unti-unti naman niyang binaba iyun. Nakahinga ako ng maluwag as she started sobbing.
"Bea...give me the gun...", utos ko.
"No...", iyak niya.
Nagkatinginan kami ni Joey at halatang kinakabahan at natatakot din siya.
"A-anong gusto mo? Gusto mo bang kumain muna tayo? Gutom ka ba?", wika pa ni Joey, "Kumalma ka muna at ihahatid ka namin sa inyo."
"Sa amin??", wika nito, "Anong meron samin? Wala na! Wala na lahat!", galit niyang sabi, "Kasalanan ko...kasalanan ko...", hagulgol niya.
"Bea...please calm down.", sabi ko.
"Bakit?...pano nagkaganito ang buhay ko? Reevz...tulungan mo ko...", iyak niya.

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
Roman d'amourWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?