~woah! 10k reads?? Haha...awww...ang sweet niyo naman! Mwah!
"Eat.", sabi niya sakin.
Di naman kasi ako gutom pero mukhang masarap naman itong Tocilog ko. Kaso badtrip itong si Akbar eh. I'm in a bad mood at gusto ko ng umuwi at magmukmok sa kwarto ko.
"Eat or I'll feed you.",
Agad kong kinuha ang kutsara at tinidor saka sumubo. He smiled at me satisfied sa nakikita niya.
"Can I go home after this?", tanong ko.
"Sure.", agad niyang wika.
Di ko talaga alam ang trip ni Akbar minsan.
Napabuntong hininga ako.
Kakausapin ko na talaga mamaya si Reevz. Wala ng kahalayang mangyayari. Tama na. Dapat ng tumigil ang lahat ng to as soon as possible. I mean..in a way tama ang sabi ni Akbar. If I'm questioning it then maybe there's really something wrong.
Sumikip ang dibdib ko.
Bakit? Ano ba kasing mali ang meron ngayon?? Sakin ba ang problema? Mayroon ba siyang di nagustuhan?
I should've ask him then! Pero ang landi ko kasi kaya ganito tuloy nangyari ngayon. Kung anu-ano kasi inu-una!Biglang may masakit na bagay ang pumalo sa noo ko.
"Aray!! Ano ba!!", napatingin ako kay Akbar na pinalo ako ng kutsara niya.
"Do you really want me to feed you huh?"
"Kakain na nga oh.", asar kong sabi.
"No...I think I'll just feed you."
"Ayoko nga!"
Pinalo niya ulit ako sa noo pero ng tinidor na ngayon.
"Akbar naman eh! Masakit na ah!", angal ko na mangiyak-ngiyak.
"Say ahhh...", ngiti niya habang nakabalandra na ang kutsarang may lamang pagkain sa harap ko.
"Baliw ka talaga!", sabi ko na iniiwas ang kamay niya sa harap ko.
Itinaas niya yung tinidor na pangpalo sakin. Pero agad kong isinubo yung kutsara sa harapan ko kaya di itinuloy ni Akbar.
"Grabe ka talaga! Bwesit kang lalaki ka!", asar kong wika habang nginunguya ko ang pagkain.
Napatawa naman siya ng malakas.
"You need food so that you could think straight, solve problems and have the energy to face them.", sabi niya.
Sinubuan ulit niya ko ng pagkain but I didn't resist this time. Ibinuka ko ang bibig ko as I look at him.
"My mom used to tell me that.", sabi niya, "Kaya pag may problema ako I eat and eat until I can't eat no more."
"Huh. Kaya ganyan katawan mo?", tanong ko.
Sexy eh.
"It just means I don't have any problem at the moment.",
Sinubuan uli niya ko.
Sometimes may sense din palang kausap itong Akbar na to eh. Kung ganito lang sana siya katino palagi malamang mas magugustuhan ko siyang kaibigan. Tulad ni Ferd."Okay. Kakain na ko. No need to feed me.", sabi ko na nagsimula na ding kumain.
"Good girl.", pat niya sa ulo ko.
Wala sa sariling napangiti ako.
......
"Can't be reach na?", tingin ko sa phone ko.
Urgh!! Nag ring pa lang yun kanina!
Naglalakad ako sa kalsada papuntang bahay. Umuwi na si Akbar kanina. Gusto pa niya akong ihatid pero sabi ko gusto kong umuwi ng mag-isa dahil ang gulo niyang kasama.

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?