Chin's Pov
"Merry christmas!!"
"Wow. That's a fiest.", sabi ni Reevz.
Ako nagluto ng lahat ng pagkain at tinulungan lang ako ni anty while sila ni Uncle ay nag-iinuman lang sa labas kanina pa. Well, tinulungan naman nila kami sa paghahakot at pamimili ng mga ingredients kanina.
Mas pinaganda ko talaga ang presentation ng mesa at ng mga pagkain ngayon, dahil pakiramdam ko espesyal ang pasko ko ngayon. I'm celebrating it first time with Reevz.
"Wow. Mas maganda ata eto ngayon kesa sa nakalipas na dalawang taon.", wika ni uncle.
"You missed it Reevz. Magaganda at masasarap ang ginawa ni Chin noon.", wika ni Anty.
"I can only imagine.", ngiti ni Reevz sakin.
"Picture muna tayo!", aya ni Anty.
Agad kaming kumuha ng family pictures namin. Laughing and smiling as we pose goofy pictures. May mga selfies kami, at picture ni uncle at anty na magkayakap. Meron din kami ni Reevz wich was very awkward dahil kahit gusto man naming yakapin ang isa't-isa, pinili na lang namin na tumayo doon at ngumiti sa camera.
Kumain na din kami ng sumapit ang araw ng pasko at puno ng papuri nila ang mga hinanda kong pagkain. Worth it lahat ng pagod ko kanina. Nagbibiruan lang kami habang kumakain na puno ng tawanan at mga ngiti. It was fun. I think, bukod sa mga nagdaang masasayang christmas kasama ang mga magulang ko noon, ito na yata ang isa sa pinaka masayang pasko ko.
Pagkatapos naming kumain, nagkaroon kami ng konting exchange gift portion. Wala yun sa plano pero kanya-kanya pala kami namili ng mga regalo.
"Woah! Anty, Uncle...akin po talaga to??", gulat kong wika sa nakita kong mamahaling relo. Color blue yun and it was soooo pretty! I was so happy na yinakap ko ng mahigpit si anty at hinalik-halikan siya sa pisngi at paulit-ulit na nagpasalamat. Pati na din kay Uncle since dalawa silang bumili ng relo ko.
"Ano to??", angal ni Reevz ng nakita niya ang isang leather jacket na black, "Ma..Pa..hindi ako emo para bilhan niyo ng gani--"
Malakas ko siyang siniko sa tagiliran at napatingin siya sakin.
"Salamat.", wika ni Reevz na nakasimangot.
"Mamahalin yan wag kang mag-alala. Saka tag-ulan ngayon kaya wag ka ng umangal.", wika pa ni uncle.
"Wala naman kaming binili na regalo na nagustuhan ni Reevz.", tawa ni anty.
"Yung regalo ko naman po buksan niyo.", excited kong wika.
Binuksan ni anty yung sa kanya. She was shock when she saw what's inside. It was a beautiful black dress na napili kong iregalo.
"Awww..ang ganda nito Chin!", masaya niyang wika na agad akong yinakap.
"Isukat niyo po!"
Pumunta si Anty sa kwarto para isukat ang damit habang binubuksan naman ni Uncle ang regalo niya. Napatawa si Uncle sa binili kong shades. Medyo pang bagets kasi yun pero nagulat kami ng sinukat niya iyun dahil bumagay naman sa kanya.
"Ang gwapo ni Uncle! Bagay na bagay!", tawa ko.
"Pa...wag mo naman pantayan kagwapuhan ng anak niyo.", sabi ni Reevz.
"Hindi ko kailan man mapapantayan kagwapuhan ng anak ko, lamang na lamang ako eh!"
Napatawa kami ni Reevz at kasunod na napatawa din si Uncle. Bigla namang bumaba si Anty suot ang black dress habang kumekembot-kembot pa.
"Wooah!!", nagulat kami dahil bagay na bagay kay Anty ang nabili ko.
"My lady.", sinalubong siya ni Uncle sa ibaba ng hagdan habang naka suot pa din ito ng shades. Iniabot ni Uncle ang kamay niya kay Anty at kinuha din naman iyun ni Anty. Hinalikan pa ni Uncle ang kamay ni Anty at kilig na kilig naman ako habang pinapanood silang dalawa.

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?