Step 10

6.7K 134 4
                                    

Reevz Pov

"Gagong tarantado! Nandito na kami!!", sigaw ni Tae pagdating na pagdating sa bahay. Kasama na niya ang buong barkada. Ay hindi pala...except kay Dion. As usual. Late na naman ang relo nun.

Naka beach attire na silang lahat, with sun glasses and all. Sinalubong ko sila at dahil feel at home ang mga mokong, kung saan-saan agad sila napadpad. Si Joey kausap na si mama sa sala, si Herby na pasimpleng linalantakan ang baon naming pagkain, si Henry na nasa kwarto ko dahil hihiram daw siya ng sando sakin at malamang hinahalungkat na ngayon ang cabinet ko, si Tae naman nasa salamin namin at nagpapagwapo gamit ang mga pampaganda ni Chin doon.

Maya-maya pa ay dumating na din si Bea. Di ko maintindihan ang suot niya na maraming bulaklak. All i know is she looks like a flower vase.

Haist! Ayoko talaga siyang isama pero inimbitahan na din siya ng parents ko kahapon. Yeah. Worst case scenario. Kilala na nila si Bea. Which means another complication dahil ma-aatach na talaga si Bea sakin. Bahala na nga si Batman! Hihiwalayan ko na siya mamaya.

Mas magiging komplikado naman kung papatagalin ko to.

Napasipol si Tae kay Bea, "Sexy natin ah."

"Syempre! Baka maagaw si Reevz sakin eh.",

I look again at Bea's dress. Yep! Sexy nga! Ang daming balat na kita. I'm sure naglalaway ako noon pag nakakakita ako ng mga ganito. But i didn't care now. Bakla na ba ako??? Wtf!

Tumalikod ako at sumimangot sa mga naiisip ko. Aakyat na sana ako ng napahinto ako dahil nakasalubong ko si Chin sa hagdan. Nasa itaas ko siya na tatlong hakbang mula sakin. Naka shorts siya at itim na t-shirt. And f*ck it! Hindi ako bakla! Dahil tingin ko ngayon kay Chin, siya na ang pinaka sexy na babae na nakita ko.

Seriously??? Ano bang problema sa utak ko ngayon? Di ako ganito dati ah.

"Reevz, ayos na ba yung mga utensils na pinalabas ko sayo."

"Oo.", nasabi ko lang.

"Ok. Than------"

Walang anu-ano ng nakita ko na lang siya na pabagsak sa akin. Kaya naman sinalo ko agad siya. I hug her tight as we fall down the stairs. Sobrang bilis ng mga pangyayari, adrenaline rush na lang ang naramdaman ko para siguraduhing hindi siya masaktan. I hit my back hard against the floor at nakaramdam ako ng sobrang sakit. Kaya lang, di ko maintindihan kung bakit nabaon ang mukha ko sa dalawang malambot na bagay. Amoy Chin iyun pero why do i have the feeling na something is odd. But i do know nakapatong si Chin sakin ngayon dahil sa bigat niya. Sinubukan kong gumalaw pero i found my hands groping at something na malambot din.

What's this?

I moved my face para makawala sa something na nakaipit sa mukha ko. I came face to face with Chin's eyes na gulat na gulat na nakatingin din sakin. And then it hit me. I look down and i saw her boobs na siyang nakatakip kanina sa mukha ko. And i was groping her butt too.

Umalingawngaw ang buong bahay sa malakas na sigaw ni Chin.

..................................................

Chin's Pov

"Pft! Bwahahahaha!", tawang-tawa si Polly habang nasa sasakyan kami ni Ferd at patungo na sa beach na pupuntahan namin.

Nasa backseat siya at napapahiga na doon sa kakatawa. Nalaman kasi niya ang nangyari kanina samin ni Reevz dahil naikwento ko kanina. Di ko naman akalaing di na siya hihinto sa kakatawa. Isali na din ang barkada ni Reevz na kanina sobrang pinagtawanan kami. Buti na lang at hindi yun nalaman nila Anty, ano na lang iisipin nila.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon