~di niyo ba ko igregreet? Birthday ko kaya..haha..
Thank you for reading! Enjoy!"Get off.", narinig kong sabi ni Akbar.
Kinusot ko ang mata ko at tiningnan kung asan na kami. Buong byahe kasi ay panay lang ang iyak ko habang nakabaon ang mukha ko sa mga kamay ko.
Napalingon ako sa kanya."Figured you need a lot of crying on your room."
"Pano mo nalaman bahay namin?", tanong ko.
"Yesterday?"
Huh? Kahapon?
"I followed you...but you were so out of it to notice.", ngiti niya, "Now get off.", he shooed me like I was some kind of an insect.
Sinundan niya ko? San banda dun?
Thinking about it now, he was following me yesterday ng nakita ko si Reevz at Bea. After that, di ko na naalalang umalis siya or nagkahiwalay kami.
Nasa jeep din ba siya kahapon?? Nakita ba niya ang mukha kong nagpipigil ng iyak?? Kahiya yun ah.
"Will you get off now or do I have to push you out? Bawal panget sa kotse ko. Napilitan lang ako ngayon.", sabi pa nito.
Napabuntong hininga ako too tired to argue with him. Lumabas ako ng kotse at pumasok ng bahay.
Nagulat si anty ng bumalik ako doon. Sabi ko lang na masama pakiramdam ko kaya magpapahinga lang muna ako.I stayed in my room crying. Masakit ang puso ko. Nakakapanghina. Di ko alam ang iisipin dahil nalilito ako. Gusto ko mang isipin na mahal pa din ako ni Reevz, unti-unti ng nagsisimula ang pakiramdam na hindi na. Na biglang nagbago ang lahat.
I can't bare the thought na makipaghiwalay sa kanya. Ayoko. Sa ngayon di ko pa kaya. Gusto ko pang ayusin muna at intindihin ang mga nangyayari. Maybe if naintindihan ko na, saka lang ako makakapagdesisyon ng tama.
At 5pm ang audition mamaya. Naisip kong di nalang pumunta. Pano ako sasayaw ng ganito ang kalagayan ko? For sure di din naman ako makakapasok dun eh.
Polly was constantly texting me and calling me pero pinili kong di muna siya sagutin. Ano naman din ang sasabihin ko kapag kinausap ko siya?
Nakahiga lang ako sa kama ko buong magdamag. Staring at the wall, ceiling, my phone,..Sleep for an hour or two then stare into space again. They say time flies fast when you're happy, I guess time flies fast too when you're pathetic and sad.
"Chin...may bisita ka sa baba.", tawag ni mama.
Huh? Sino? Si Polly??
After awhile, napagdesisyunan ko ding bumaba. Laking gulat ko ng nakita ko si Akbar sa sala namin, nakaupo habang masayang kausap si anty.
"What are you doing here??", gulat kong wika.
Ano na naman trip nito?
"Wag ka ngang bastos sa bisita mo.", sita ni anty sakin, "Di mo naman sinabing schoolmate mo na pala ang anak ng kaibigan ko."
Mapang-asar ang ngiti ni Akbar sakin.
"Di naman po kasi importanteng balita anty.", sabi ko.
"Asus...importante magkasundo na kayo ngayon. Masaya ako at dinalaw mo si Chin, Akbar. O siya, maiwan ko na kayo para makapag-usap kayo.", wika ni anty at umalis din ito.
"Umuwi ka na.", sabi ko.
"You won't go to the audition for the dance group?"
"No."
Tumayo siya at hinarap ako.
"Too bad. I already decided you're going to go today."
Napataas ang kilay ko ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?