Reevz Pov
"Bakit ang tigas ng ulo mo?", agad kong wika. Galit ako pero mahina lang ang boses ko dahil ayokong marinig ng pangitna Ferd na yun, "Sabi ko sayo ako ang kukuha sayo di ba?"
"Bakit issue mo yan eh nakarating na nga ako ng bahay. Ayaw mo nun hindi kita naabala! Saka kung inaalala mong magsusumbong ako sa mga magulang mo, don't worry dahil hindi."
"You're unbelievable.", sabi ko na napailing-iling, "Alam mo...ikatlong araw pa lang kitang kasama sa bahay na to pero...", dahil di ko alam san ko ilalabas ang panggigil ko, hinablot ko na lang ang hingin sa harapan niya at dinurog yun sa kamay ko, "Ugh! You're frustrating me!"
"Aba!", sabi niya na napamewang, "Kala mo ikaw lang? Well the feeling is mutual! Kung di lang malaki ang utang na loob ko sa mga magulang mo matagal na kitang kinalbo!", sabi niya.
"At kung hindi lang ako naaawa sayo pinalayas na kita dito sa pamamahay namin! Ampon ka lang naman eh! Kung makaasta ka parang ikaw ang totoong anak!"
Biglang nawala sa mukha niya ang galit. Napalitan yun ng lungkot. Tumahimik siya at napatingin sa lupa. Na parang nawala siya saglit sa kasalukuyan.
Agad naman akong kinain ng konsensya ko. Alam kong harsh yung nasabi ko. Pano ko ba yun babawiin? Di ko din alam bakit lumabas yun sa bibig ko. Gusto ko lang naman talagang sabihin sa kanya ngayon na sa susunod wag matigas ulo niya. Pero pano kami napunta sa ganitong usapan? Say sorry...say sorry....
"I'm---"
"Alam mo.", napatingin na siya ngayon sakin.
I almost flinched at her stare. Nakakatakot ang tingin niya at di ako makapaniwalang matatakot ako.
"Di ko kailangan ang awa mo.", may diin ang bawat salita niya, lumapit pa siya sakin kaya unconsciously akong napaatras, "At excuse me. Pero ako ang nandito noong mga panahong wala ka. And i have every right to be their daughter.", puno ng galit ang mga mata niya ng tiningnan ako.
"Anong nangyayari dito?",
Napalingon kami at nakita namin si mama at papa na kakarating lang.
"Wala po aunty.", bigla niyang liningkis ang braso niya sakin at malaki ang ngiti, "Nag-uusap lang po kami ni kuya."
"Kuya?", tawa ni mama.
Nanglaki naman ang mga mata ko na napatingin sa kanya. Ngumiti siya ng malapad sakin.
Tinapik ni papa ang braso ko, "It's good your both getting along."
"Nandyan po pala sa loob si Ferd. Dito ko siya yinaya maghapunan.", sabi niya.
Binitawan naman niya ko at kay mama na ulit kumapit.
"Ah..si Ferd. Tagal na din niyang di pumunta dito. Hi Ijo!", bati ni mama ng nakapasok na sila sa loob.
Nakita kong nagmano si Ferd kay mama at papa tapos nagkwentuhan silang lahat dun sa kusina. Lahat sila masaya at nagkakatuwaan.
Why do i feel like a loser?
...................................................
Reevz Pov
We never really talk after that incident. Days passed...weeks...and months. Ganun pa din kami. Ng tumagal ay nasanay na din ako. Madalas lang kaming magpanggap pag andyan sina mama at papa. Madali lang ang naging takbo ng panahon at di ko namalayan medyo matagal na kaming nagsasama.
And you know what happened during that cold war? I grew some interest in her na narealize ko lang lately. Minsan mas gugustuhin ko na lang lumabas ng bahay dahil pag nandun ako di ko maalis ang tingin ko kay Chin. I like how she comb her hair. Kung pano siya manood ng tv na seryosong-seryoso. Kung pano siya maglinis ng bahay. Kung pano siya sobrang sweet kay mama at papa. Kung pano siya magluto. Yung itsura niya kapag nakapangbahay lang at sobrang sexy pa minsan. Kung pano siya tumawa sa mga kwento niya. Kung pano siya magbasa ng libro tuwing nag-aaral.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?