~hey guys. Pakivisit na lang sa vid na ginamit ko sa chap na to sa youtube. Hirap kasi ako ilagay dito dahil cp lng gamit ko.
Search niyo lang BTS dance practice Bulletproof. You can watch their mv's too if you want. Promise mag-eenjoy kayo. Thankee!Reevz Pov
Oh sh*t! Gusto ni Joey si Polly??
Bigla na lang sinampal ni Polly si Joey. Bumakat ang kamay ni Polly sa pisngi nito at agad akong nagtago ulit sa pintuan. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa ko.
That was hilarious. Nawala bigla ang problema ko dahil sa nakita kong pangyayari. Pinipigilan ko ang pagtawa ko pero sobrang hirap dahil paulit-ulit pumapasok sa isipan ko ang mukha ng mokong na si Joey.
"I hate you!", narinig kong sigaw ni Polly at kumaripas siya ng takbo.
Humagalpak ako ng tawa ng nawala na nga ng tuluyan si Polly doon. Napahawak ako sa tiyan ko at dinabog dabog ang pader.
"Sh*t! Hahaha...I hate...you daw...hahahaha!!", tawa ko pa din.
"Tarantado ka! Kanina ka pa dito??", asar na tanong ni Joey sakin habang nakasandal sa pintuan habang hinihimas-himas niya ang pisngi niya.
"Malamang...", natatawa pa din ako sa mukha ni Joey na mapula-pula ang kaliwang pisngi, "Sakit nun dude...haha."
"F*ck you.", asar nitong wika at umupo sa isang upuan. Di maipinta ang mukha nito sa sobrang pagkaasar.
"F*ck you more.", sagot ko na huminto na sa pagtawa at umupo din sa isa sa mga upuan dun. "So kelan pa? Alam ba to ni Herby? Because I'm guessing na hindi. Kailan mo planong sabihin?"
"Hindi ko alam.", sagot nito.
"Gago ka pala eh!", agad kong wika, "Bakit ka pa nagkagusto eh alam mo namang nandyan si Herby?? "
"Eh ikaw bakit ka nagkagusto kay Chin eh alam mo namang andyan ang mga magulang mo!!", wika nito.
Di ako nakapagsalita na parang binatukan ako ng mga salita niya. Tama naman kasi eh. In a way...parang pareho kami ng sitwasyon. Parehong bawal. Parehong ikasasama ng tingin ng lipunan samin. Parehong kinakailangan naming mamili sa dalawang importanteng tao sa buhay namin. Parehong mahirap. Parehong magulo. Parehong sakit sa ulo.
"Well atleast hindi ako nag-iisa. Salamat at sinamahan mo ko.", biro ko at napatawa ng bahagya.
Napailing-iling siya at napatawa na din.
"So anong plano mo nga? Bro alam mong patay na patay na si Herby sa kanya.", sabi ko pa, "If may plano kang ipaglaban siya. Atleast kailangan mong sabihin kay Herby."
"I know...", buntong hininga nito, "I know Reevz pero...I still don't know if she's worth it. Natatakot akong saktan ang kaibigan ko. I'm scared to lose our friendship over some girl."
"Akala ko ba gusto mo siya?", tanong ko.
"Yeah...",
"Gusto mo ba siyang mapunta sa iba? Kay Herby?"
"Mali bang maramdaman kung ayokong mapunta siya sa iba lalo na kay Herby?"
"Ewan. Pero kung ayaw mo nun eh di gumawa ka ng paraan."
"Pano si Herby??", tanong niya.
"Alam mo ang tanong lang naman dyan eh kung anong gusto mo at gusto ni Polly. Kung gusto mong magpaka selfish eh di gawin mo. Pero ang impirtante ay kung gusto din ba ni Polly na maging selfish ka. Higit sa lahat, importanteng di masaktan ang babaeng mahal mo.", remembering our situation ni Chin, it all came back again to me kung gano kasakit para sakin talikuran ulit ang mahal ko. "Hindi naman sa sinasabi kong saktan mo si Herby. Kailangan mo siyang kausapin. Kaibigan ka din niya. Kung ano man mangyari, I'm sure sa huli magiging magkaibigan pa din kayo...tayo. Nandito pa din ang barkada para sa kabaklaan ninyong dalawa."
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?