Chin's Pov
"Anong sabi mo? Palakasan ng hiyaw?", gulat kong wika.
Ano yun? Malakas na audience impact ang mananalo?
"Guys you wanna join a game??", sigaw niya sa mga tao na nakapalibot sa amin.
"Yes!!!", Tili ng mga babae.
Shemay!!! Puro babae nakapalibot dito eh. Anong panama ko??
"Sa pagtatapos ng every round, kailangan niyo lang icheer kung sino ang bet niyo sa aming dalawa! Ang may pinakamaingay na cheer ang panalo kaya cheer niyo ko mamaya okay?", kaway niya pa sa mga babae.
Tsk! Ang landi din ng lalaking to eh.
Humarap siya sakin at kumindat, "Suko ka na ba agad? Don't worry...hindi ko masyadong gagalingan.", sabay hawak sa balikat ko.
Kinabig ko kamay niya.
"Watch me.", determinado kong sabi.
Ang hambog eh! Shemay! Patay talaga sakin to mamaya!
Hinubad ko ang pang-ibabaw ko na damit. I was wearing my spaghetti strap na damit sa loob. Tinanggal ko na din ang ponytail ko at inilugay ang buhok ko.
"Fiesty eh?", he smirked at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "So dinadaan mo na ko sa ganyan?"
"Anong ganyan?", kunwari pagtataka ko, "Gusto ko lang kumportable ako kapag ginawa ko ang killer moves ko."
Napatawa siya sa sinabi ko.
"Let's see Chin.", sabi niya, " Five rounds tayo, 3 wins at siya ang panalo."
"Okay."
Nagsimula uli yung game. Okay naman eh. Nakakasabay ako. Problema lang, di lang paa ang gamit ni Reevz kundi pati na rin lahat ng katawan niya na para talaga siyang sumasayaw. May mga extra moves pa siya na kahit wala dun sa game ay ginagawa niya.
Eh di kulelat ako agad. Sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao para sa kanya.
Ugh!
Di ako patatalo noh!
I gave moves din na wala sa game at ginalingan ko ang pagsasayaw. Kaso...may magchicheer bang babae sakin?
Natapos ang first round at maraming humiyaw para kay Reevz. Napabuntong hininga ako.
"One down.", sabi niya sakin.
Ang sarap ngatngatin ng bunbunan niya! Grr!
Okay! Seryosong usapan na talaga to. Kaya kitang talunin Reevz!
.....................................
"Bwahahaha!", di ko mapigilan ang tawa ko sa iika-ikang si Reevz.
Pati sina uncle at anty di din napigilang matawa. Nasa sala kami at nanonood ng movie habang kumakain ng popcorn.
"Tumigil ka na nga kakatawa diyan?", sabi niya at nilagyan ng ice pack ang ulo niya.
"Ayan kasi! Ano ka ngayon bata ka? Ang kulit!", tawa ni anty na may halong panenermon.
Pano ba naman kasi, nung pinakita ko yung tumbling moves ko nung 2nd at 3rd round, nalampaso ko siya. Kahit mga babae naghiyawan sakin.
Dumami rin ang mga lalaking nanood kaya doble ang hatak kong audience impact.
Galing ko eh!
Nung 4th round siya sumubok magtumbling kaya lang bumagsak siya sa sahig. Kaya nanalo ako.
Tumbling moves lang naman pala katapat eh. Haha! Walang sinabi kagwapuhan niya.
"Praktis praktis din pag may time anak.", singit ni papa na mas ikinatawa namin ni anty.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?