Chin's PovNakatingin ako sa naka post na announcement sa bulletin board.
Audition na bukas para sa dance group. Bukas na...bukas na...bukas na...
Waaaa!!! Bakit ang aga???
Reevz! Urgh! Bakit? Bakit??
Gusto ko ng umiyak. Di na nga niya ko matulungan ito pang gagawin niya sakin! Ni wala pa akong choreo na nakuha at practice lang ako ng practice. Pano na yan?? I'm so screwed!"Don't worry...makakapasok ka.",
Liningon ko ang nagsalita at nakita ko si Joey.
"Tiwala lang.", cheer niya.
"Bakit? Dahil kapatid ko si Reevz? Dahil sa relasyon namin? Di yun assurance noh.", sabi ko.
"Eh di ikaw na ang walang tiwala sa sarili. Magaling ka naman eh. Mainit lang ulo ni Reevz noong last audition mo."
Mas lalong gusto kong umiyak. Kung mainit ulo niya noon, di hamak naman na mukhang mas mainit ang ulo niya ngayon! Ni di ko na nga alam kung ano na ako ngayon sa buhay niya eh! Parang wala...biglang poof! Wala na si Chin sa buhay niya. Ganun kadali!
Letse!
"Asan nga pala si Polly?", tanong niya.
"Malay ko!", asar kong wika at naglakad palayo sa kanya.
Naaasar na talaga ako sa lalaking yun! Akala niya ayos lang sakin to?? Akala niya hahayaan ko siyang magpatuloy sa ginagawa niya sakin?? Tingin niya masaya to??
Nangigigil ako! Nanggigigil ako!! Urgh!!!!
"Here."
May iniabot saking papel at agad ko iyung kinuha at pinunit-punit sa maliliit na piraso. Saka tinapon ko sa buong paligid. I was panting ng matapos ako. Napatingin ako sa taong nag-abot sakin ng papel.
"Wow. Perfect paper grinder. Good job panget!", tapik niya sa balikat ko at naglakad palayo.
"How dare you!", may babaeng lumapit sakin at tinulak ako, "Huhu! Love letter ko!!...", mangiyak-ngiyak niyang pinulot ang pirasong papel na nagkalat sa paligid.
Napapikit ako sa sobrang asar. Gusto ko na talagang patayin ang lalaking iyun!
................................................
Nasa isang bakanteng kwarto ako at nakikinig ng music sa earphone ko. After ilang oras ng pag-iisip ng kantang gagamitin ko, I settled for something na bago. Kailangan ko na lang gawin ay gumawa ng choreo.
I tried making steps pero di ako yung dancer na maganda kung gumawa ng choreo. Pakiramdam ko di sapat ang ginagawa kong steps. I need something na di makakatanggi si Reevz. Something na lahat ng tao ay tatanggapin ako ng walang pagdadalawang isip.
I take in a deep breath. Kailangan muna sigurong maging kalma ang utak ko. Exhale.
Okay. Focus!
Kailangan kong makapasok sa dance group ngayong sem at makakapasok ako kahit anong mangyari! Di ako mapipigilan ng kahit na sino! Kahit si Reevz! Ipapakita ko sa kanya na kaya ko kahit wala ang tulong niya!
Fighting!
Biglang nag beep ang phone ko. Isang video ang nareceive ko galing kay Joey. Tiningnan ko iyun at isang dance choreo ang laman noon.
Waa...buti pa si Joey may malakit sakin! Nakuha siguro niya number ko from Polly.
Tinawagan ko siya."Hello Joey!",
Di siya sumagot.
"Hello? Naririnig mo ba ko? Hoy. Salamat sa vid ha. Malaking tulong to. Regards ako kay Polly."
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?